^

PSN Showbiz

Erap - AiAi movie tuloy na!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Natuwa naman ako nang malaman ko na tuloy ang paggawa ng pelikula ni Papa Joseph Estrada.

Ang akala ko, wala nang plano si Papa Erap na i-revive ang kanyang movie career dahil active siya sa mundo ng pulitika.

Hindi pala dahil gusto pa rin niya na ituloy ang pelikula na gagawin nila ni AiAi delas Alas.

Sure ako na matutuwa si AiAi dahil hindi na siya umaasa na matutuloy ang movie team-up nila ni Papa Erap.

Si AiAi na ang pinakamasayang tao sa bagong development dahil isang taon na ang nakararaan mula nang i-announce na gagawa sila ni Papa Erap ng pelikula pero hindi naman natuloy.

* * *

May nagkuwento sa akin na malaki ang bahay na ipinagagawa nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo.

Hindi ko sasabihin kung saan itinatayo ang bahay ng future husband and wife dahil karapatan nila na magkaroon ng privacy.

Hindi ko pinangarap na ako ang masisisi kapag natunton ng mga reporter ang bahay na titirhan nina Juday at Ryan pagkatapos ng kanilang kasal sa May.

I’m sure, papayag din naman ang dalawa na makita ng publiko ang kanilang tahanan kung tapos na ang construction nito at kumpleto na ang mga gamit nila. Makakahindi ba sila sa kanilang mga reporter na kaibigan?

* * *

Maraming salamat kay Virgie Ramos dahil sa Swatch na ipinadala niya sa akin. Hindi nakalimutan ni Virgie ang kanyang OPM noon sa presscon nina Angelica Panganiban at Anne Curtis na padadalhan niya ako ng relo.

Sina Anne at Angelica ang mga sexy endorser ng Swatch Skin. Hindi ako magtataka kung tumaas ang sales ng Swatch Skin dahil naengganyong bumili ang mga tao nang ma-sight nila ang mga sexy poster nina Anne at Angelica.

Nagpakita ng skin ang dalawa sa pictorial nila pero hindi malaswang tingnan. Na-maintain nina Anne at Angelica ang pagiging class at disente. Ang Summer Show-Off Swatch ang ipino-promote nila ngayon.

* * *

Ipinakita uli kahapon sa The Buzz ang video ng pakikipag-away ni Bayani Agbayani sa mga hindi kilalang lalake.

Sa totoo lang, wala akong naintindihan dahil madilim ang video. Boses lang ni Bayani ang naririnig ko at puro settle at settlement lang ang naintindihan ko. Nagpaliwanag kaagad si Bayani na na-provoke lamang ito kaya naimbyerna siya. Mabilis na natapos ang isyu dahil nag-explain agad si Bayani.

* * *

Thank you sa aking friend na si Mikaela Bilbao ng Philosophy dahil sa sorpresa niya sa akin noong Sabado.

Umiingay na ang name ni Mama Mikaela dahil palagi namin siyang binabati ni Papa Joey de Leon sa Startalk. Nakiki-friend na rin si Papa Joey kay Mikaela na kaibigan na rin ng mga artista gaya nina Ruffa Gutierrez, Pops Fernandez at Rufa Mae Quinto. Ang tatlo ang mga endorser ng Aesthetics Center at Salon ni Mama Mikaela.

Hindi pa kami nagkikita ng personal ni Mama Mikaela. Sa telepono pa lang kami nagkakausap pero nagkasundo na kami na magkikita sa lalong madaling-panahon. Sa lalong madaling panahon daw o!

vuukle comment

AESTHETICS CENTER

ANG SUMMER SHOW-OFF SWATCH

BAYANI

DAHIL

MAMA MIKAELA

PAPA ERAP

SWATCH SKIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with