Showing ng OMG isasabay sa kasal nina Juday at Ryan
MANILA, Philippines - Seen : Ang pagpaparamdam ni Rey Abellana na isali siya sa TV show ng GMA na pagbibidahan ng kanyang anak, ang baguhang si Carla Abellana.
Hindi natutuwa kay Rey ang mga kamag-anak ni Carla dahil bigla siyang lumitaw nang malaman niya na magiging artista na ang kanyang anak.
Scene : Nagtagumpay sina Jessa Zaragoza at Dingdong Avanzado sa panggagamit kay Rachel Alejandro dahil pinag-uusapan sila ngunit sa negatibong paraan.
Maaaring naniniwala sila na publicity, good or bad is still publicity.
Seen : Klarong-klaro ang imbitasyon ni Marvin Agustin sa kanyang mga kaibigan at kakilala: Please watch the premiere of MY newest show GANTI tom, March 26, after GMA Telebabad around 10:30 p.m. It’s an 8-week drama series. Im sure you will enjoy this! MY at hindi OUR newest show ang ginamit ni Marvin.
Scene : Nagkatotoo ang kutob ni JC de Vera. Si Marvin Agustin at hindi siya ang bidang lalake sa SRO Cinemaserye ng GMA.
Si Geoff Eigenmann ang ipinalit kay JC.
Seen : Hindi makakatulong sa career ni Jennylyn Mercado ang isyu na bumuka at may inpeksyon ang tahi sa kanyang C-section area.
May mga personal na isyu na hindi na dapat ipinapaalam sa publiko.
Scene : Dalawang taon na ang nakalilipas mula nang mag-aral si Angel Locsin ng Fashion Design sa London ngunit wala pang press release kung natuloy ang kanyang sportswear line business.
Seen : Ang paggamit sa pangalan ni Marian Rivera dahil hindi ito dumalo sa launch kay Angel Locsin bilang bagong endorser ng Facial Care Center.
Tama ang ginawa ni Marian dahil kung dumalo ito, parang nagpagamit na rin siya. Event ‘yon para kay Angel, hindi para kay Marian.
SCENE : Nagsimula noong Miyerkules ang shooting ng Oh My God nina Ogie Alcasid at Judy Ann Santos.
Itataon sa kasal nina Judy Ann at Ryan Agoncillo ang playdate ng OMG.
- Latest