^

PSN Showbiz

Sugat sa tiyan ni Jennylyn naimpeksiyon

-

MANILA, Philippines - Naalala ninyo ang blind item namin sa young actress na may dyowa na may dating ka-live in na nanggugulo sa kanila? May dagdag kaming information, kaya raw nanggugulo ang ex ng BF ng young actress dahil live in na ang young actress at ang lalaki at napapabayaan na ng lalaki ang anak sa dating live in partner.

Heto pa, madalas mag-away ang young actress at ka-live in dahil sa ex ng lalaki at sa sobrang ingay nila, nagalit ang mga kapit­bahay. Isinumbong sila sa barangay at ipina-blotter pa. Nang tanungin ang young actress, super deny at once pa lang daw sila nag-away ng kan­yang ka-live in.

Marami ang nagulat na nakipag-live in ang actress dahil wala sa hitsura niya ang papayag makisama ng walang kasal. Baka nga sobra niyang mahal ang lalaki kaya dedma na sa magi­ging epekto nito sa kan­yang career.

* * *

Ginulat ni Sunshine Dizon ang mga viewers ng All About Eve sa episode kagabi at episode mamaya na nagsasayaw siya sa bar in a sexy costume at sa harap ng maraming tao. Hindi man two-piece ang isinuot, sexy and daring pa rin ang dating nito’t nipples na lang ang kulang at kita na ang kabuuan ng boobs sa suot. Gumiling-giling pa siya! Na-conscious ito sa sinabi ni Alfred na magaling siyang gumiling. Hahaha!

Tinanong si Sunshine kung pagkatapos ng sexy dance at daring costume niya sa All About Eve ay magpapa-sexy na siya ng todo o papayag mag-pictorial sa FHM? Hindi ito nagsalita ng tapos at baka kainin niya ang kanyang sinabi, wait na lang daw tayo sa next move niya.

Sa episode mamaya, natuwa si Erika (Sunshine) sa sinabi ni Max (Gabby Eigenmann) na last night na niya sa club at ibibigay niya rito ang video ng show. Pero dumating sa club sina Warren (Alfred) at Paul (Keempee de Leon), madiskubre na kaya ng kanyang BF ang lihim ni Erika?

* * *

Kailangang i-revise ang script ng week 7 ng Paano Ba ang Mangarap?, mga eksenang kasama si Jennylyn Mercado sa role ni Lissa dahil nga sa nangyari sa actress. Na-pack-up ang taping nila last Wednesday dahil kailangang dalhin sa St. Luke’s Medical Center ang actress dahil nagkaroon ng infection ang area ng stomach niya malapit sa CS scar.   

Ang sabi ng doctor ni Jennylyn na si Dr. Judy, nagsimulang skin irritation o folliculitis ang kaso ni Jennylyn, na-infect ito at kinailangan ang wound debridement and three stitches suturing. Pinagpahinga ng two to three days si Jennylyn at binigyan ng pain reliever at antibiotics at ’pag nagtuluy-tuloy na bumuti ang lagay, this Friday, baka puwede na siyang mag-report sa taping ng soap nila ni Mark Herras. (NITZ MIRALLES)

ACTRESS

ALL ABOUT EVE

GABBY EIGENMANN

JENNYLYN

JENNYLYN MERCADO

MARK HERRAS

MEDICAL CENTER

NIYA

PAANO BA

ST. LUKE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with