Manager ng aktor tinanggihan ang aktres dahil sa tsismis
Hindi natuloy ang plinano ng isang network na pagtambalin sa bago nilang soap ang dalawa nilang contract stars dahil hindi tinanggap ng manager ng actor ang project. Kahit magaling ang young actress na ipapareha sa kanyang talent, ayaw pa rin ng manager for personal reasons.
Aliw ang rason ng manager ng actor kung bakit hindi niya tinanggap ang offer sa kanyang alaga at ito’y dahil natsismis ang isa niyang close relative sa kamag-anak naman ng young actress. Nag-deny na ang kamag-anak ng young actress sa natsismis na relasyon nila ng relative ng talent manager, pero ayaw nitong maniwala. Woman intuition ang pinaiiral ng manager at 100 percent sure siyang nagkare lasyon ang kamag-anak niya sa kamag-anak naman ng young actress na nasa showbiz din.
Kaya kahit maghi-hit sana ang tambalan ng young actress at guwapong actor, hindi natuloy at never silang magkaka-trabaho kailanman.
* * *
Lumabas na ang print ad ni Angel Locsin for Facial Care Center para sa kanilang Laserlight treatment. May intriga sa pagkuha kay Angel na maging endorser ng ganung treatment dahil si Marian Rivera ang unang endorser nito at ang tsika nga’y pinalitan siya ni Angel.
Nagtanung-tanong kami at nalamang hindi pinalitan si Marian and in fact, sa June pa mag-i-expire ang kanyang kontrata. Summer campaign daw ng Facial Care ang ini-endorse ni Angel na in fairness, napaka-sexy sa kanyang print ad.
Magandang gawin ng Facial Care, bigyan din nila ng bagong pictorial si Marian para patunayang endorser pa rin nila ito ng Laserlight at ‘di pinalitan ni Angel. Mas maganda pa kung pagsasamahin nila sina Marian at Angel sa print ad at sa billboard. Kaya lang, madugo yata ang talent fee kung pagsasamahin silang dalawa.
* * *
Ang T2 lang sa mga pelikula ng Star Cinema ang walang premiere night dahil April 11 (Black Saturday) ang opening nito at kung magpi-premiere night, matataon sa Holy Week. Alangan namang mag-premiere night ng Holy Thursday at Good Friday,’ no!
Kahit walang premiere night, naniniwala pa rin sina Maricel Soriano at direk Chito Roño na panonoorin ang pelikulang tungkol sa mga engkanto. Road movie ang tawag ni direk Chito sa T2 dahil kinunan ito sa Naga, Daet at Legaspi sa Albay; Mt. Makiling at Matnog, Sorsogon. Pauusuhin ng pelikula ang pagsitsit.
* * *
Mamaya sa All About Eve, mapapanood ang pagsasayaw ni Erika (Sunshine Dizon) sa club. Sa interview sa actress, ayaw sabihin kung nag-two-piece o may ibang isinuot para bumagay sa eksena. Basta ang sinabi nito, thankful siya na payat na siya dahil hindi siya mapipintasan ng viewers na mapanood na gumigiling-giling.
- Latest