Kiko Rustia: bagong 'wild' host
MANILA, Philippines - Mahirap kalimutan ang naging paglalakbay ng dalawang host ng Born to be Wild na sina Dr. Ferds Recio at Romy Garduce. Pero nagpaalam na ang huli at ipinapasa na ang trono niya sa bagong salta na si Kiko Rustia.
Simula mamayang gabi, pagkatapos ng Saksi sa GMA 7, ay mapapanood na ang beterinaryo at ang co-host na si Kiko na dating Survivor Philippines castaway sa mga bagong adventures nila.
Ang Born to be Wild ang kauna-unahang weekly wildlife at environment program na nagsimula noong isang taon. Tulad ni Romy, mahilig din sa outdoor activities si Kiko, kaya walang malaking adjustment para sa kanya ang mababakanteng pwesto. Si Doc Ferds naman ay patuloy na magbibigay ng expert’s advice ukol sa mga hayop.
Si Kiko ay isang batang negosyante sa Quezon City bago naisipang lisanin ang magulong mundo ng siyudad at manirahan pansamantala sa Boracay. Dahil sa pagiging wanderer o gala, binansagan siyang “free spirit” sa Survivor Philippines.
- Latest