Lea naunahan ni Martin sa laban ni Pacman
Interesado sana si Lea Salonga na kumanta ng national anthem sa controversial na laban nina Manny Pacquiao at Ricky Hatton sa Las Vegas sa May 2 (May 3 sa bansa). Nasabi agad ito kay Manny pero sadly, naipangako na raw yun kay Martin Nievera.
May isang nagkuwento rin na parang hesitant si Manny noong una dahil ang pakiramdam niya, malas ang lalaki (referring to Martin) ’pag kumakanta sa laban niya kaya nagdadalawang isip ang boksingero.
Pero as of press time, tinanong ko ang kaibigang si Joe Barrameda na malapit kay Manny, at confirmed na naipangako na nga kay Martin kaya wala nang pag-asa si Lea.
Sayang naman. Mas bongga sana kung si Lea ang kakanta ng Lupang Hinirang.
* * *
Tama, nagpadala ng paliwanag ang ABS-CBN.
Sinagot nila ang mga sinabi ni Manny sa joint presscon ng GMA 7 at Solar Sports the other day na hindi pa sana ipalalabas ang statement niya hangga’t hindi pa plantsado ang problema nila sa Solar Sports, pero hindi tumupad ang ABS-CBN. Ipinalabas agad ito sabi ni Manny, na hindi pa ayos ang lahat.
Heto, basahin ninyo at kayo ang mag-interpret at magtimbang sa mga sinabi ni Manny at ang paliwanag ngayon ng ABS-CBN:
“Ikinagulat namin ang pahayag ni Manny Pacquiao na hindi sumunod ang ABS-CBN News sa usapang embargo ng video kung saan inanunsyo niya ang paglipat sa ABS-CBN bilang media partner.
“Ang embargo ay ang hindi muna pagpapalabas ng video habang wala pa niyang pahintulot.
“Narito po ang mga tunay na nangyari:
“Noong March 14, nag-record si Manny Pacquiao ng isang statement na hiniling niyang i-embargo. Hindi ipinalabas ng ABS-CBN News and video na iyon.
“Noong March 17, nag-record si Pacquiao ng isa pang statement kung saan niya sinabi na nilapitan niya ang ABS-CBN para maging media partner na magpapalabas ng kanyang mga laban.
“Inaprubahan niya ang pagpapalabas ng video na ito, kaya ipinakita ito sa aming mga balita noong Miyerkules, March 18.
“Noong March 19, sa aming interview sa kanya habang nasa training, hiniling niya ang suporta ng mga manonood at sinabing panoorin ang kanyang laban sa ABS-CBN.
“Noong March 20, muling idineklara ni Pacquiao sa interview ng ABS-CBN na “my decision [is] still the same. Fight mapapanood sa ABS-CBN.
“Sinasagot namin ang mga akusasyon ni Pacquiao, dahil sinisira na nito ang mga pinahahalagahan namin bilang mga mamamahayag: Ang makatotohanang pagbabalita at paggalang sa aming source.
“Gayunpaman, patuloy kaming magbabalita tungkol sa laban ni Pacquiao at igagalang ang kanyang desisyon na makipagkasundo sa alinmang kumpanya para sa kanyang mga laban.”
* * *
May pahabol namang statement ang GMA 7 kahapon din:
“GMA Network maintains that after all the recent events that happened, Manny Pacquiao made the right decision by honoring his contract with Solar Sports and more importantly, by remaining a Kapuso.
“Pacquiao made a bold statement during the press conference organized by GMA Network and Solar Sports yesterday (March 23) when he said that ABS-CBN reneged on their commitment to Pacquiao not to air the videos on his transfer to ABS-CBN until after he has proven the breach of contract on the part of Solar. Pacquiao also apologized to GMA Network and Solar Sports executives for what happened.
“GMA Network chairman, president and CEO Felipe L. Gozon admired Pacquiao for his courage to admit his faults. ‘It shows character for a man, particularly a world champion like Manny Pacquiao, to admit and ask forgiveness for committing a mistake. It took a lot of courage to tell the truth over what happened, even if in doing so, some quarters may fault him,’ Gozon said.
“Gozon also said that it is now time to move forward and forget about everything that happened. ‘We only want what is best for Manny and we wish him success in his fight against Ricky Hatton. His fight is not only for himself and his family, but for the entire country as well. He should now train hard and focus on his preparations for the fight,’ Gozon added.
“Manny Pacquiao’s fight with Ricky Hatton on May 2 (May 3 in the Philippines) will be seen by Filipinos nationwide for free on GMA Network.”
* * *
Parang uso ang official statement ngayon. Kahapon, may pahabol naman ang Star Cinema tungkol sa issue ng talent fee ni Sarah Geronimo na unang lumabas sa isang magazine at sinundan ng report sa TV Patrol.
Supposedly, confidential ang issue ng talent fee, pero may mga sources na silang nakukunan na siguradong nega:
“Nais linawin ng Star Cinema ang isyu tungkol sa talent fee ni Sarah Geronimo para sa mga pelikulang A Very Special Love and You Changed My Life.
“Si Sarah ay isang Contractual Talent ng Viva Films, na co-producer ng mga nabanggit na projects. Ang pakikipag-negosasyon para sa kanyang talent fees ay katulad nang kay Anne Curtis para sa mga pelikulang When Love Begins at Wag Kang Lilingon. Ang mga talent fees nina Sarah at Anne para sa kanilang mga pelikula ay rekomendasyon na nanggagaling sa Viva Films. Sa kaso ni Sarah, tumupad lamang ang Star Cinema sa kanyang Contractual Agreement sa Viva Films.
“Nirerespeto ng Star Cinema ang Talent-Manager relationship ni Sarah Geronimo at ng Viva Films. Ang Viva ang namamahala sa kanyang Talent Fees at walang kinalaman dito ang Star Cinema.”
- Latest