Bruce Willis muling ikinasal
LOS ANGELES — Sa ikalawang pagkakataon, muling nagpakasal ang aktor na si Bruce Willis.
Ayon sa Rogers & Cowan, publicity agency ng aktor, ikinasal si Willis kay Emma Heming sa isang maliit at pribadong seremonya sa bahay nito sa Parrot Cay sa Turks & Caicos Islands.
Nagkakilala ang bagong kasal sa pamamagitan ng kanilang mutual friends ilang taon na rin ang nakakaraan.
Si Heming, 30, ay isang model-actress. Kasama sa naging bisita sa kasal nina Willis at Heming ay ang tatlong anak ng una sa actress na si Demi Moore na sina Rumer, 20, Scout, 17, at Tallulah Belle, 14. Kasama rin ang asawa ni Demi, ang aktor na si Ashton Kutcher. (AP)
- Latest