^

PSN Showbiz

Mahihirap na kabataan pinag-aaral ng Nescafe

-

MANILA, Philippines - Lingid sa kaalaman ng marami, bukod sa pag­tuklas ng mga bagong artists sa industriya ng mu­sika, tinutulungan din ng NESCAFE Sounds­kool ang mga mahihirap pero karapat-da­pat na es­tud­yante na makapagpatuloy ng pag-aaral sa kolehiyo.

Maging si Commission on Higher Education-National Capital Region Education Supervisor II Dr. Mary Sylvette Gunigundo ay humanga sa inis­ya­tiba ng NESCAFE Soundskool na magpa­aral ng mga mahihirap na kabataan.

“Tumataba ang puso kong marinig lang ang kanilang pasasalamat dahil kahit paano, merong kumpanyang kumakalinga sa mga estudyanteng ito at hindi lang naghahangad ng tubo,” sabi pa ni Gunigundo.

 Ang CHED ang pumili sa 10 college student na tumanggap ng tulong na salapi. Sinuportahan ng ahensya ang NESCAFE Soundskool compe­tition sa nagdaang apat na taon.

Mababa sa P150,000 ang taunang kita ng mga mahihirap na magulang ng mga estudyanteng napili ng CHED.

Ayon naman kay Eileen Bangcoro, marketing and promotions manager ng NESCAFE, laging gus­tong tulungan ng NESCAFE Soundskool ang mga estudyanteng nangangailangan ng panustos sa pag-aaral.

“Alam naming maraming magagaling na es­tduyante na hindi makatapos sa kolehiyo dahil sa kasalatan sa salapi kaya naisip namin ang prog­ramang ito,” sabi ni Bangcoro.

Kabilang sa tumanggap ng tulong ng NES­CAFE Soundskool si Charmaine Angeline J. Ca­limlim, third year nursing student ng University of Perpetual Help.

“Nagpapasalamat ako na kasama ako sa mga awardee. Malaking tulong sa aking pag-aaral ang tulong na salapi dahil magastos ang kinukuha kong kurso,” sabi pa ni Calimlim.

Sinabi rin ni Christian D. Senora ng St. Clare College ng Caloocan na nakatulong ang perang nakuha niya sa programa para makagradweyt siya ngayong semestre.

Isa pa sa tumanggap ng tulong si Lourdes E. Consuelo ng St. Clare College. “Lalo akong nag­sikap na mag-aral mabuti dahil sa tulong na ito. Na­­ngako ako na mag-aaral akong mabuti para makakuha ng trabaho at makatulong sa aking pa­milya pagkagradweyt,” wika ni Consuelo.

Ayon sa ina ni Consuelo, magagamit ng kan­yang anak ang pera sa pamasahe papasok sa eskuwelahan at pauwi, mga proyekto, libro at ibang gastusin sa pag-aaral.

Kasama pa sa tinutulungan ng NESCAFE Sound­skool sina Marika F. Young (Polytechnic University of the Philippines), Alain B. Tongson (Mapua Institute of Technology), Janella Ann Marie D. Domingo (Pamantasan ng Lunsod ng Pasig), Dezerry A. Alina (Colegio de San Juan de Letran), Al John T. Madora (Polytechnic University of the Philippines), Imarie D. Fernandez (Colegio de San Juan de Letran) at Nico M. Patayan (Our Lady of Fatima University).

AL JOHN T

ALAIN B

CONSUELO

POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

SAN JUAN

SHY

SOUNDSKOOL

ST. CLARE COLLEGE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with