Piolo stressed out sa pag-aaral ng French
Pag-aawayan pa yata ng magkakaibigang aktres ang nasulat na pagsunod ng isang basketball player na nali-link sa isa sa kanila sa Boracay. Pinaghihinalaan ng grupo ang kasama nilang magandang actress na siyang nag-leak sa press sa pagdating du’n ng lalake.
Ang magandang actress lang daw ang may mga kaibigang reporters na puwedeng i-text at itsika ang pagdating ng basketeer sa Boracay lalo’t kompleto sa detalye ang nasulat mula sa oras nang pagdating at pag-alis ng lalake.
In fairness sa actress, hindi siya ang source ng balita at kahit may mga kaibigang press people, hindi ang tipo niya ang magtsitsika lalo’t personal. Kung siya nga, nahihirapan ang press na pasagutin ng personal questions, ibang tao pa kaya ang itsismis?
Anyway, itinanggi ng basetball player sa isang radio interview na sumunod siya sa Boracay, ‘di raw siya nanliligaw sa isang actress na kabi-break lang sa nobyong actor. May girlfriend daw siya, kaya ‘di siya puwedeng manligaw sa iba.
Ipinarating namin ang denial ng lalake sa aming source at “I stand by my story” ang sagot.
* * *
Sinisipag si KC Concepcion sa pagbibigay ng update sa taping nila ni Piolo Pascual ng Lovers in Paris Sa latest text message nito sa manager niyang si Shirley Kuan na na-forward sa amin, sabi ni KC, mabilis matuto ng French dialogue ang actor, pero stressed out sa pag-i-effort na matuto pati ang tamang French accent.
Sobrang lamig din daw sa Paris at mabuti na lang, hindi naka-top down ang car na gamit ni Piolo sa eksena, unlike sa original version ng Korean novela.
Unforgettable raw ang French lessons.
Itsinika rin ni KC na sobrang matataas ang mga puno sa location nila, pero walang mga dahon dahil nalalagas ‘pag taglamig.
- Latest