^

PSN Showbiz

Para sa Magtatapos

-

MANILA, Philippines - Panahon na naman ng mga pagtatapos o graduation sa mga paaralan sa bansa at bilang alay sa mga kabataang nagsunog ng kilay upang tumanggap ng katibayan o diploma’y isang natatanging pagtatanghal ang handog sa kanila ng Life and Style with Ricky Reyes sa QTV-11 ngayong Linggo mula alas-diyes hanggang alas-onse ng umaga.

Rarampa ang Starstruck Survivor na si Ryza Cenon at mga host ng KaBlog na sina Ada Flores at Lucky Mercado ang mga kasuotang likha ng pamosong designer na si Armand Rimojo at Missology. Tiyak na kapag ang mga bonggang formal wear na ito ang isinuot ng sinuma’y mamumukod-tangi sila at hahangaan ng balana.

Magniningning naman ang mga modelo ng mga sikat na hair and make up artist na opisyal ng Fil-Hair Coop na sina Pening de Guzman (ng Antipolo), Atlas Leonen (Pasig) at Enji Doblois (Pampanga) sa Great Hair Day na ang itatampok ay Graduation Ball look.

Simula ng We (Women Empowerment) na pagpupugay sa mga Filipina ng Luzon, Visayas at Mindanao na ang host ay si Marikina City Mayor Marides Fernando. Sa segment na Hairecord ay pipiliting talunin ng mga taga-Iloilo City ang fastest national record na 75 gupit sa loob ng 4 na oras na natala nung isang buwan sa General Santos City.

ADA FLORES

ARMAND RIMOJO

ATLAS LEONEN

ENJI DOBLOIS

FIL-HAIR COOP

GENERAL SANTOS CITY

GRADUATION BALL

GREAT HAIR DAY

ILOILO CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with