^

PSN Showbiz

Joey Lina nagsolo sa album

-

MANILA, Philippines - Nagsolo na si dating senador Joey Lina na gumawa ng album. Kung noon, kasama niyang kumakanta sina MMDA Chairman Bayani Fernando at Sec. Angelo Reyes, nagsolo siya ngayong mag-record at nagkaroon na ng launching kamakailan.

Proud na proud ang dating senador na ngayon ay presidente ng Manila Hotel. Katulong daw niya ang lahat ng anak niya para matapos ang nasabing album.

Makikinabang sa kikitain sa CD na ito na isa ring dating governor ang isang non-government organization na nagtataguyod sa value formation, spiritual growth, financial literacy, at livelihood education.

Bumubuo sa CD lite ang mga classical at contemporary songs na magpa­paantig sa puso at kaluluwa. Koleksyon ito ng pitong awitin na kumakatawan sa aspirasyon at pangarap ni Lina para sa Diyos at sa bansa. Maririnig dito ang You’ll Never Walk Alone na nakakapagpaalala sa pag-asang ipinangangako ng Diyos, Impossible Dream na nakakapagpahikayat sa kawalang-hanggang posibilidad ng Diyos, Prayer na inawit ng buong pamilya ni Lina at nagpapakita sa kapangyarihan ng dasal para matamo ang isang layunin. Tampok din ang Kung Nasaan Man, Hanggang at Dakilang Lahi.

Unang napatanyag ang kakayahan ni Lina sa pag-awit nang madalas siyang maimbitahan sa Aliw Awards. Pero ang kauna-unahan niya talagang pagkanta ay sa isang kasalan ng anak ng isang government official. Simulan noon, nadis­kubre niyang may talent siya at kinarir na niya ang pagkanta.

Nagsagawa sila kinalaunan ng mga fund-raising concerts na madalas idaos sa Fiesta Pavilion ng Manila Hotel. 

ALIW AWARDS

ANGELO REYES

BAYANI FERNANDO

BUMUBUO

DIYOS

FIESTA PAVILION

JOEY LINA

KUNG NASAAN MAN

MANILA HOTEL

WALK ALONE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with