^

PSN Showbiz

Richard kakausapin si Wilma Galvante

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Ingat na ingat si Pops Fernandez sa pagsagot sa mga tanong sa isyu kina Martin Nievera at Jomari Yllana.

Naintindihan daw niya ang reaction ni Martin dahil ama ito ng kanyang mga anak and on the other hand, nagulat siya sa statement ni Jomari Yllana.

Inamin ni Pops na nasa healing period pa rin siya after Jomari broke up with her at umaasang magiging mabilis ang pagmo-move on niya. Pero sa latest entry sa blog niya, dated March 15, and entitled Dazed and Confused, iba ang sinabi ni Pops.

“Just came from a trip to Bohol for a change of scenery. To try to find answers to a lot of questions that have been bothering me lately. Not too successful with that. They remain questions in my mind. Hopefully, in the near future, they will make sense. I’m back in Manila now and trying to figure this whole blog thing,” ayon sa singer.

Matutulungang mas madaling makalimutan ni Pops ang sakit sa biglaang paghihiwalay nila ni Jomari dahil aalis siya para sa US tour ng Divas 4 Divas at kahapon yata ang alis nila para sa first show sa March 20 sa Houston, Texas. Sa nabasa naming schedule sa kanyang blog, aabutin ang tour nila hanggang May 30, and hopefully, by that time, naka-recover na siya.

* * *

Enjoy ang press sa interview kay Eddie Gutierrez sa presscon ng Zorro, kung saan ginagampanan niya ang role ni Gobernador Luis Aragon. Masaya itong napasama sa isa sa pinakamalaking project ng GMA 7 at mga anak na sina Richard Gutierrez at Elvis Gutierrez.

Kasama na siya sa cast, pero nagugulat pa rin si Eddie sa malaking effort ng network para mapaganda ng husto ang series na magpi-premiere sa March 23, at sa direksyon nina Mark Reyes at Dominic Zapata.

 “I like the show, maganda. Pati location namin, ang ganda. Bagay sa akin ang role ko at naa-appreciate ko ang staff na ayaw nila akong mahirapan ng husto. Inuuna nila ang mga eksena ko para hindi ako mapuyat,” kuwento ni Eddie.

Ang ikinatuwa ng press ay nang ipa-describe kay Eddie ang misis niyang si Annabelle Rama dahil ang isinagot ay “what you see, is what you get.”

Nang pag-reaking sa “word war” nina Annabelle at SVP for entertainment TV ng Channel 7 na si Wilma Galvante ang itinanong, sabi ni Eddie, nagulat siya’t paggising niya’y may gulo na sa dala­wa, pero umaasang magkakaayos din ang dalawa.

* * *

Hindi kami magugulat kung isang araw mabalitaang nakipagkita si Richard Gutierrez kay Ms. Galvante dahil sa presscon ng Zorro, hinanap niya ito at may sasabihin daw siya sa kanyang “Tita Wilma.”

Nang tanungin ng press kung ano ang sasa­bihin niya ’pag nagkausap sila, hindi sinabi ni Richard. Pangit daw kung mauunang malaman ng press kesa kay Ms. Wilma ang gusto niyang iparating. Ang na-share lang nito sa mga reporter, nagpapasalamat siya kay Ms. Wilma dahil alam niyang ito ang nagpursigeng makuha ang rights ng Zorro para pagbidahan niya.

Malaki rin ang pasasalamat niya kay Atty. Felipe Gozon, Atty. Jimmy Duavit at sa buong mana­gement ng network na ipagkatiwala sa kanya ang isang malaki, magastos at nakalululang project. Nangako si Richard na hindi idi-disappoint ang management at ang mga viewers. Three seasons ang itatakbo ng Zorro or 39 weeks at posible pang ma-extend. 

vuukle comment

ANNABELLE RAMA

DAZED AND CONFUSED

DOMINIC ZAPATA

EDDIE

EDDIE GUTIERREZ

JOMARI YLLANA

MS. WILMA

NIYA

RICHARD GUTIERREZ

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with