Kaso nang nasunog na tauhan ni Kuh nasa korte na
The following is a continuation of my column item yesterday tungkol sa kasong kinakaharap ni Kuh Ledesma involving her former cook, na nasawi bunga ng tinamo nitong third degree burns noong June 2008. Had this Startalk feature story been aired last Saturday, wala namang resistance sa panig ng singer, only that she was advised by her lawyer to cancel her supposed live appearance.
In a text message sent to Startalk, ipinahayag ng abogado ni Kuh, and I quote: Inasmuch as we want to have our client appear on your show to answer all your queries, we believe, however, that a case is now pending and it is but ethical on our part to address all the legal issues hurdled against our client before the proper forum. A public appearance on her part may affect the outcome of the case so it is better, for all legal intents and purposes, to face the matter in a forum where truth can be judiciously threshed out. Be that as it may, our client has a reputation beyond reproach and she has been known in the industry and Christian world to be good-hearted,” unquote.
Startalk creative director Floy Quintos phoned Kuh’s manager Melo inquiring about the case. In their brief conversation last Saturday, napag-alaman na sa dalawang buwang pagkakaospital daw ni Elisa Palis sa PGH ay si Kuh ang sumagot ng bills na umabot sa kulang-kulang kalahating milyong piso, contrary to the victim’s daughter’s (Julie) statement that an estimated P70,000 was only spent by Kuh na gusto pang makihati ng singer kung mare-refund ito ng PCSO.
Binanggit din ni Melo na sinagot din daw ni Kuh ang libing at puntod ni Aling Elisa, bagay na hindi binanggit ni Julie sa kanyang Startalk interview.
Dagdag pa ni Melo, hindi naman daw naatasang mag-ihaw si Aling Elisa ng umaga nu’ng May 2008 kung kailan naganap ang trahedya, kundi ibang staff ng Hacienda Isabella Restaurant na pag-aari ni Kuh.
Sa ngayon, naisampa na ni Julie through her lawyer Atty. J.T. Leonardo G. Santos sa NLRC (National Labor Regulatory Commission) sa Calamba, Laguna laban kay Kuh ang umano’y pagpapasahod nito ng below minimum kay Aling Elisa who had worked as her cook for 11 years. Apat na libong piso lang daw ang tinanggap nitong suweldo, na wala ring overtime pay at 13th month pay. Napag-alaman din daw ng nasabing abogado na lahat umano ng staff sa restoran ni Kuh ay may ganoon ding kaso.
Sa kaso naman ng pagkamatay ni Aling Elisa, magpupulong na raw ang ilang associate lawyers as to the possibility of filing charges of reckless imprudence resulting in homicide against Kuh. Anila, hindi raw kasi pangkaraniwang gas ang ginamit sa pag-iihaw. More so, ni walang proper training o precautionary measure ang naipatupad ng establisyemento para pangalagaan ang kanilang mga tauhan.
I can image Kuh singing “dito ba, dito ba, dito ba, dito ba… ang dapat kong kalagyan?”
- Latest