Matapos bigyan ng gold Rolex, pulitiko basted kay Janna
Ang suwerte naman ni Janna Dominguez, kapapanalo lang bilang first runner up sa Pinoy Fear Factor, heto at siya pala ang target ng mga pulitiko.
Yup, as in siya ang type ng ilang pulitiko na sa sobrang pagka-type ng isang pulitiko ay inimbitahan siyang mag-dinner.
Kuwento ng isang very reliable source, ipinaimbita ni Mr. Pulitiko si Janna sa isang may kilala sa artista na ngayon ng ABS-CBN. Ang guarantee ng pulitiko para sa nasabing dinner, isang gold Rolex. “Pumayag naman si Janna. Nag-dinner sila ni Mr. Pulitiko. Pagdating sa sosyal na restaurant, ibinigay agad ang gift ng generous na pulitiko. Tinanggap ni Janna.
“Nag-enjoy si Mr. Pulitiko at gandang-ganda siya kay Janna kaya nagbigay agad ng hint na seryoso siya (pulitiko) sa dalaga at gustong maging girlfriend at ibibigay lahat ng kailangan. Ang siste, binara agad siya ni Janna, meron na raw siyang boyfriend na taga-PFP din,” mahabang kuwento ng source na nang itawag niya sa akin ay fresh pa raw ang information, unedited habang nai-excite siyang mag-kuwento.
So ang ending, ayon sa source, wala nang nagawa ang pulitiko. “Pero hinayang na hinayang siya sa Rolex. Mahal kasi ‘yun. Gold, almost P700,000 ang worth nun,” pahabol na info ng source.
Ang suwerte naman ni Janna... kainis.
* * *
Mabuti naman at nagsalita na si Jomari Yllana tungkol sa nangyaring paghihiwalay nila ni Pops Fernandez. Pero hindi sa talk shows, kundi sa bagong programa ng kapatid ni Jom na si Anjo kasama si Eugene Domingo sa GMA 7 - Cool Center.
Sa simula parang bitin pa, pero nang malapit nang mag-end ang programa ay naka-ready na pala ang aktor. Pero si Martin Nieverra ang binira niya.
Ayon sa aktor, tatlong oras silang nag-usap ni Pops at nagkaintindihan na sila. Pero ang pinagtataka umano niya ay bakit kailangang makisawsaw ni Martin sa isyu.
Narito ang ilang part ng official statement ni Jomari:
“Mr. Martin Nievera, hahayaan na lang sana kitang magsalita nang magsalita. Sa pakiwari ko, I don’t owe you any explanation nor am I accountable and responsible to you for my actions.
“Ironically, Mr. Nievera, kami ni Pops nag-usap na. We had a three-hour talk the other Monday at kung anuman ang napag-usapan namin ni Pops, sa amin na lang yun. But I assure you that we settled the issues between us in a very mature manner.
“The love and respect we feel for each other remain. At salamat sa kanya, she cleared the issues surrounding us lately. And in doing so, she cleared my name in the eyes of the viewing public.
“Mr. Nievera, I find it strange and hypocritical na of all people, ikaw pa ang nagsasalita about Pops getting hurt. I may be wrong, but if you have some unresolved guilt within you, please refrain from using my situation with Pops para lang magmukha kang malinis na tao. Mr. Nievera, not at my expense,” seryosong pahayag ng ex-boyfriend ni Pops.
- Latest