Gusto n'yo bang ma-discover ang mga tsikiting?
MANILA, Philippines - Ngayong summer, gusto n’yo bang matuto ang mga bata sa bahay na kumanta, sumayaw, umarte, mag-speech at makihalubilo ng tama sa mga tao kapag may sosyalan? Pwes, lahat ng iyan ay pwedeng mapag-aralan sa all-in-one training program ng Center for Pop Music Philippines, Inc.
At eto pa, dahil ipinagdiriwang nila ang ika-25 taon nila ngayon, kalahati lang ng regular price ang babayaran sa training! Iyan ang handog ng establishment sa layuning makatulong sa mga may hilig sa sining.
Ang tinatawag nilang Discovery Training Program ay isang 18-day training package na ino-offer sa lahat ng mga branches ng Center for Pop Music Philippines, Inc. at sa ilang piling eskwelahan sa Metro Manila para sa summer break.
Ang modernong paghahasa na galing sa ideya ni Butch Albarracin, founder at CEO ng Center for Pop, ay ginawang mabilis, masaya at nakikipag-ugnayan sa mga kasaling bata hanggang teenager.
Ang ilang workshops ay Starborne, ang premium course sa pagkanta at stage performance; mayroon ding guitar, drums, beatbox at keyboard lessons; ang 4-in-1 Artworkshop sa acting; at may modeling, personality development, emceeing at hosting din.
Kung gustong ma-discover na kasing galing nina Charice Pempengco, Erik Santos o Sarah Geronimo, tumawag na sa opisina ng Center for Pop Music sa 721-0731, 727-5293 o 411-7310.
- Latest