^

PSN Showbiz

P500 lang datung everyday, Mark walang pang date

-

MANILA, Philippines - Totoo palang may problema si Mark Herras sa kan­yang pamilya. Siya kasi pala ang sumasagot sa lahat ng gastos ng pamilya sabi ni ‘Nay Lolit Solis tungkol sa lumabas sa Seen/Scene (issue kahapon).

Imagine, P500 lang pala ang daily allowance ni Mark plus full tank na gas ng kotse. “Sabi ko nga sa kanya, kaya siguro bini-break siya ng girlfriend niya kasi wala siyang panggastos,” sabi pa ng manager ni Mark.

Ang daddy kasi pala ni Mark ang may hawak ng datung ng aktor. Pero in fairness naman, sabi ni ‘Nay Lolit may sariling bahay na si Mark na tinitirhan ng buong pamilya niya ngayon.

“Siguro, alam mo naman ang bagets iniisip niya pag-uwi niya ng bahay, naka-aircon nakahiga ang mga kasama niya sa bahay, samantalang siya nagta-trabaho,” palagay ng manager ng aktor.

Siyam kasi pala silang magkakasama sa bahay at imagine siya lahat ang kumakayod para sa mga ito.

Well, marami talagang artista ngayon ang tumatayong padre de pamilya.

Tama si ‘Nay Lolit - mahihirapang magka-GF si Mark kung ang sistema ay P500 lang ang allowance niya. Kulang pa ‘yung pangkain sa isang mamahaling restaurant. Malamang isang order lang ‘yun ng soup.

Ang katuwiran naman daw ng pamilya ni Mark, iniipon nila ang pera at para na rin makaiwas ang aktor sa masamang bisyo.

MALAMANG

MARK

MARK HERRAS

NAY LOLIT

NAY LOLIT SOLIS

NIYA

PERO

SABI

SIGURO

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with