^

PSN Showbiz

TV host Inutangan ng P13 M ng boyfriend

- Veronica R. Samio -

Hanggang ngayon nasa ospital pa rin si Angelica Panganiban, dinala siya dahil sa masidhing sakit ng tiyan.

 Makaraan ang maraming tests at na-clear naman ang aktres sa acute appendicitis, inoobserbahan pa rin ito at makakalabas lamang kapag hindi na umulit ang pananakit ng kanyang tiyan.

* * *

Bakit dumarami ang bilang ng mga artistang nagkakaro’n ng isyu sa pera? Lumalabas lamang ang isyu kapag naghiwalay na ang artista. At dahil naghiwalay na nga, hindi na masiguro kung mababalik pa sa kinunan ang kanyang pera.

Gaya ng isang TV host na inutangan daw ng kanyang ex-boyfriend ng P13M. Ang laki naman! Paano pa ito masisingil ni girl kung ganyang wala na sila at tinakbuhan na siya ni boy?

Isa pa ring singer ang inutangan daw ng kanyang ex ng pera. Hindi naman tumatakas si bf pero mabayaran pa kaya si ex-gf?

Isa namang newbie ang palaging hinihingan ng kanyang ex-bf ng pera, pati raw pang-gasolina nito ay sa kanya pa rin hinihingi. Tuloy iniwan ni newbie si aktor.

Kayong mga aristang may problemang ganito, learn from the mistakes of your colleagues. Ihiwalay n’yo ang inyong pera sa pag-ibig. Uso kasi na kapag magdyowa ay pinag-iisa na ang pera. Tipong what’s yours is ours. Baka kung kailan laos na kayo at saka n’yo ma-realize na wala na pala kayong pera.

* * *

 Isa si Senador Bong Revilla sa nakipagdiwang sa ikalawang anibersaryo ng Paradise of Stars ni German Moreno na matatagpuan sa Mowelfund Plaza. Kahit na abala ito sa kanyang maraming gawain sa senado ay humabol ito sa selebrasyon noong Miyerkules para pagbigyan ang paanyaya ng Master Showman na nagbigay ng kaunting salu-salo sa mga naging bisita at ipinakita niya ang mga naging pagbabago ng lugar dalawang taon makaraang ito ay simulan niya.

Wala pa namang gaanong nadaragdag sa mga pangalan ng artistang nakalagay sa mga gintong estrelya at ipinalibot sa paligid ng lugar na dati ay pawang puno ng mangga lamang ang makikita. Ipinaayos ito ni Kuya Germs at tinatawag na Paradise of Stars. Ito ngayon ay added attraction sa mga tour groups na pumupunta ng Mowelfund Plaza. Andun pa rin ang mga pangalan nina Gloria Romero, Amalia Fuentes, Nora Aunor, Vilma Santos, Tirso Cruz III, Fernando Poe, Jr., Fernando Poe, Sr., Joseph Estrada, Ramon Revilla, Luis Gonzales, Sharon Cuneta, Lea Salonga at marami pang iba na umaabot ng mahigit sa 100 pangalan ng artista.

Nadagdagan na ang mga standees na maayos na itinayo sa buong paligid. Dito nagpapakuha ng mga larawan ang mga bumibisita ng lugar na karamihan ay mga estudyante na gustong malaman ang kasaysayan ng industriya ng pelikulang lokal. Kung dati ay pawang mga black and white lamang ang mga standees, ngayon marami na ang may kulay, mga standees ng mga artista ng GMA 7 na buong pusong ipinagkaloob ng pamunuan ng network kay Kuya Germs matapos na ito’y kanilang gamitin. Andun ang standee ng SiS (Janice/Gelli de Belen at Carmina Villaroel), Pulis Pangkalawakan (Marky Cielo, Aljur Abrenica at Dennis Trillo), Engkantadia (Iza Calzado, Diana Zubiri, Karylle) at iba pang serye ng GMA 7. Meron ding standee ng presidente ng ABS-CBN na si Charo Santos-Concio mismo ang nagbigay. Humihingi pa ng iba sa Dos si Kuya Germs pero as of presstime, wala pang dumarating. 

Si Kuya Germs mismo ang nag-aasikaso ng pagmimintina ng lugar, ipinalilinis niya ito. Yung dating masukal na tapunan lamang ng basura ay ipinalinis niya.

May isang lugar sa Paradise of Stars na puwedeng pagkakitaan pa ng pondo ng Mowelfund. Ito yung lugar na kung saan matatagpuan ang isang napakalaking swimming pool na hindi na ginagamit dahil basag na ang mga tiles at wala nang dumadaloy na tubig. Ito ang ipinangako ni Senador Bong Revilla na ipapa-rehabilitate muli para magamit at makadagdag pa ng ganda sa paligid. Nangako siya na popondohan ito ng mga PlM. Ikinatuwa ito ng labis ni Kuya Germs na siya ring personal na gumagastos para malagyan ng ilaw ang mga malalaking puno at mga halaman sa buong paligid.

Hindi ang Paradise of Stars ang unang proyekto ni Kuya Germs sa Mowefund Plaza. Nung taong 2006, ipinaayos niya ang isang estudyo sa ikalawang palapag ng Mowelfund Film Museum at nilagyan ng “suspense and horror room.”

Sa buwang ito, sa Marso 26, 1-5 p.m., ipagdiriwang ang ika-35th anibersaryo ng Mowelfund. Magkakaro’n ng misa, ang tradisyunal na free dental and medical mission, entertainment para sa lahat ng myembro at pamilya nila. Mangyaring tumawag lamang kina Tess Mabunga, social welfare officer, at Tobie Dollete, 727-1915, 727-1961.

ALJUR ABRENICA

AMALIA FUENTES

FERNANDO POE

ISA

KUYA GERMS

MOWELFUND PLAZA

PARADISE OF STARS

SENADOR BONG REVILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with