Claudine at Raymart 'di nasiyahan sa kaso ng kikidnap sa anak
MANILA, Philippines - Bigo ang mag-asawang Raymart Santiago at Claudine Barretto na masampahan ng kasong kidnapping ang inakusahang nais dumukot sa kanilang panganay na anak na si Sabina na taon gulang.
Si Joanne Castro ay nasampahan lamang ng kasong unjust vexation sa Quezon City Prosecutor’s Office sa pamamagitan ng abogado ng aktres na si Atty. Raymond Fortun. Nakalaya pansamantala si Castro makaraang magpiyansa ito ng P2,000.
Hindi nasiyahan ang mag-asawa at nanawagan sa mga mambabatas na dapat may ngipin ang batas dahil sa halip na kidnapping kahit tangka pa lamang at hindi na kailangang ipain pa ang bata upang ma-consumate lamang ang krimeng pagdukot.
Isa umanong stalker ni Barretto ang suspek na halos alam lahat ng detalye at schedule ng aktres, ayon kay Fortun.
Sinabi naman ng suspek na nais lamang niya na mapalapit dahil avid fan siya ng aktres kaya nagdahilang may ibibigay na package at isama ang anak na si Sabina nang tumawag sa yaya nito.
Inakusahan pa ni Barretto ang kuya umano ng suspek na si Raul Castro na residente ng Sta. Mesa, Maynila na may kinalaman sa tangkang pagdukot na sinasabing pulis subalit wala naman ganoong pangalan sa rekord ng pulisya at pinaniniwalaang mayroong sindikato na kinaaniban ang suspek.
Si National Bureau of Investigation (NBI) agent Michelle Fernandez ang umaresto kay Castro nang isagawa ang entrapment noong Marso 3, 2009 sa paaralan ni Sabina sa Libis, Quezon City.
Una pa umanong nagpakilala sa NBI ang suspek bilang Anna Liza Reyes na sa huli ay natuklasang Joanne Castro, na nagbuhat pa umano siya sa Amerika at kaibigan siya ng aktres.
Hindi naman narekober ng NBI ang cellphone na ginamit ni Castro sa pakikipagtawagan sa yaya ng pamilya Barretto. (Ludy Bermudo)
- Latest