JC maraming kalaban sa ABS-CBN
Taong 1995 nang maging isang miyembro ng That’s Entertainment si Francis Magalona, isa sa 16 na orihinal na miyembro na marami ay anak ng artista. Si Francis ay anak nina Pancho Magalona at Tita Duran.
Isa siya sa talagang maipagkakapuri ko dahil talagang may talento siya, una sa pagkanta, paggawa ng kanta, pag-arte, pagtataguyod ng kultura ng ating bansa sa pamamagitan ng kanyang musika, pagkuha ng larawan, pagiging entrepreneur at kung anu-ano pang artistic pursuits.
Namatay si Francis at a very young age of 44, marami pa sana siyang magagawa pero mananatili sa isipan ng lahat ang tapang na ipinamalas niya sa paglaban sa kanyang karamdaman.
Sa kanyang kamatayan, nakita natin kung gaano siya kamahal ng tao, ng kanyang mga kamag-anak, pamilya, mga kasama sa trabaho at maging ng mga taong hindi niya kilala pero hinahangaan siya.
Kung saan man siya naroroon, sana nakita niya yung ibinigay ko sa kanyang tribute sa Walang Tulugan. It was my way of saying goodbye to a great guy, a true talent. Bibigyan parangal ko rin siya sa Walk of Fame Philippines.
* * *
Sayang naman talaga si JC de Vera kung aalisin na siya ni Mama Annabelle Rama sa GMA 7. Sa Siete pa naman siya nakilala ng husto. Pero kung yun talaga ang magiging desisyon ng manager niya, wala siyang magagawa kundi ang sumunod. Nag-aalala lamang ako na baka mawala siya sa rami ng mga artistang lalaki na daratnan niya sa kabila, mga leading man na dapat at obligadong bigyan ng proyekto bago siya. Sana nga, samantalahin nila ang pagiging bago niya, para hindi siya ma-miss ng matagal ng mga tagahanga niya.
* * *
Isa palang kapamilya yung sinasabing kahalikan ni Raymond Gutierrez sa isang party, si Carla Humphries. Ewan ko nga ba kung what’s the big deal dito eh karaniwan namang tanawin sa atin ‘yung mga nagki-kissing scene. Hindi na tayo naiiskandalo dito.
Ang dami na ngang naghahalikan ngayon sa kalye, sa mga public transport, at kung nakakaramdam man tayo ng hiya, panandalian lamang, at sa simula lamang, Sa susunod, kaswal na lamang ito, ni baka hindi na natin pansinin.
- Latest