^

PSN Showbiz

Mag-ingat para makaporma sa summer

-

MANILA, Philippines - Malapit na ang Mahal Na Araw at bakasyon ng mga eskwela. Damang-dama na natin ang matinding init ng panahon. At pag summer, maraming karamdamang nakukuha tulad ng heatstroke, sunburn, dehydration, pagkasira ng tiyan at iba pang sakit sa balat.

Tutok lang sa Life And Style With Ricky Reyes sa QTV-11 ngayong Linggo mula alas-diyes hanggang alas-onse ng umaga para malinawan kung paano maiiwasan at malulunasan ang mga sakit na nabanggit.

Makakatsikahan ng host-producer na si Mother Ricky sina Jen Rosendahl (sa topic na pagpapaseksi), Gino dela Peña (pagiging physically fit) at Marie Judy Abrina ng Optima Wellness na magbibigay ng health tips. Aawitin ng grupong Tugizta ang isang sariling komposisyon na sadyang ginawa para sa tag-init. Sa mga nais kumontak sa grupo, maaari silang tawagan sa Mobile number na 09283982852.

Gagampanan naman ni France Bonnin sa segment na Tesda Bida ang papel ni Leindenbell na dating isang katulong sa bahay pero matapos maging scholar ng Tesda, sa ilalim ni President Gloria Macapagal Arroyo program ay isa na ngayong trainor ng maraming livelihood programs. Isang businesswoman na nagngangalang Ruby ang maswerteng makakatikim ng mahiwagang Gandang Ricky Reyes sa Great Hair Day.

AAWITIN

FRANCE BONNIN

GANDANG RICKY REYES

GLORIA MACAPAGAL ARROYO

GREAT HAIR DAY

JEN ROSENDAHL

LIFE AND STYLE WITH RICKY REYES

MAHAL NA ARAW

MARIE JUDY ABRINA

OPTIMA WELLNESS

TESDA BIDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with