^

PSN Showbiz

Big star na Kapamilya lalagare sa GMA 7

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Ikagugulat ng viewers ang naka-schedule na paggi-guest ng isang big star ng ABS-CBN sa mga show ng GMA-7 sa mga susunod na araw. Magsisimula ang big star sa paggi-guest sa pilot ng Cool Change na hosts sina Anjo Yllana at Eugene Domingo.

Binigyan ng go signal ng big star ang kanyang manager na i-schedule siya sa mga show ng Ch. 7. Nag-decide ang big star na ito na mag-guest sa kalabang network ng ABS-CBN dahil tila nagtatampo na wala siyang new show sa kanyang home network.

Abangan na lang nating lahat kung sino ang big star na ito at ang mga susunod na shows na kanyang lalabasan.

* * *

Pagalingan na naman sa acting sina Iza Calzado at Sunshine Dizon sa Pinoy adaptation ng All About Eve na magpa-pilot sa March 9.

Sa presscon, nagpalabas ng ilang eksena ng dalawa at talaga namang walang nagpatalo sa confrontation scenes nila with matching sampalan pa.

Sabi ni Iza, dito talaga sila maglalaban ni Sunshine dahil sa Kung Mawawala Ka, Encantadia at Impostora, hindi lumalaban ang kanyang mga character. Dito, palaban din siya, kaya mas masaya ang kanilang mga eksena.

Sinang-ayunan ito ni Sunshine, matitindi raw ang mga eksena nila at sa ibang kasama sa soap. Nakaka-pressure rin daw ang malupit na cast dahil pawang magagaling na artista ang kanilang kasama. May ginawa siya sa soap na first time siyang pumayag para sa mas ikagaganda ng kanyang role at istorya.

Masaya si Sunshine sa kanyang career ngayon, kaya kahit walang tulog dahil sa taping ng AAE at Bubble Gang, okey lang sa kanya. Endorser na rin siya ng Calayan at kasama sa bagong billboard na ilalabas.

Ang ikinalungkot lang ni Sunshine, hindi na matutuloy ang recording niya sa Viva Records dahil nagkaroon ng problema sa in-offer na recording contract. Sabi raw ni Veronique del Rosario-Corpus, mas mapapatakbo nito ng mahusay ang recording career niya kung pati TV ay ima-managed ni Veronique, kaso, under contract sa GMA Network si Sunshine. Ang ending, hindi na naman tuloy ang paggawa nito ng album.

Walang problema kung sa GMA Records gagawa ng album si Sunshine, so, paging GMA Records!

* * *

 First time ni Mark Bautista sa 17th floor ng GMA Network para sa presscon ng Sundo, kaya conscious siya at halos ‘di gumalaw. Sa Q&A na siya na-relax at noong ini-interview na ng press. Magpo-promote si Mark sa shows ng GMA-7, gaya ng Sis ngayong araw, sa Eat…Bulaga sa Sabado at Showbiz Central sa Linggo at sa Walang Tulugan.

 Starstruck kay Robin Padilla si Mark at sa una nilang mga eksena, nabulol siya sa kanyang lines. Lagi niyang inisip na galingan para ‘di mapahiya sa actor. Kaya kahit wala ang litrato niya sa poster ng pelikula, hindi problema sa kanya.

Nausisa na naman si Mark kay Sarah Geronimo at very happy siya sa tagumpay nito ngayon, lalo na ang big success ng You Changed My Life. Inamin nitong pinatigil siya ni Sarah sa panliligaw dahil hindi pa ito ready na makipagrelasyon, pero nanatili silang magkaibigan.

Tungkol naman sa sunud-sunod na blind item kay Mark at sa kaibigang singer-actor, nagugulat siya at ‘di alam kung saan nanggagaling ang mga nasusulat.

Hindi kumikibo ang kaibigan niyang manhid na raw sa tsismis, pero naaawa siya rito at sana raw, tigilan na ang mga maling tsismis sa kanila.

* * *

Sa huling Huwebes ng Luna Mystika, itatakas nina Dexter (Mark Anthony Fernandez), Simon (Ariel Rivera) at Bikodong (Bearwin Meily) sina Luna at Celestina (Heart Evangelista) habang patuloy na lumilindol. Malalaman ng kambal na sila ang susi para hindi sumabog ang bulkan, pero ang kapalit ang buhay nila.

vuukle comment

ALL ABOUT EVE

ANJO YLLANA

ARIEL RIVERA

BEARWIN MEILY

BUBBLE GANG

COOL CHANGE

EUGENE DOMINGO

HEART EVANGELISTA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with