Arnel 'di pinapansin ng mga pinoy
Dumating kahapon ang Journey band, masyadong maaga para sa March 14 concert nila sa Mall of Asia open-airs grounds. Marami tuloy ang nag-iisip na may malaking rason kung bakit maaga silang pumunta ng ‘Pinas. Sa presscon mamaya, sana may magtanong kung tama ang iniisip ng iba na baka isabay ni Arnel ang kasal nila ng live-in partner habang narito ang members ng Journey para makadalo.
Noong January dapat ikinasal si Arnel, pero wala tayong nabalitaan so, baka hindi natuloy.
Maganda ang wife ni Arnel at cute ang baby boy nila na lagi niyang kasama.
Nakakatuwang nakalalabas pa rin si Arnel nang hindi pinagkakaguluhan. Nakita namin siya sa concert ni Peter Cetera at siya pa ang nagtutulak ng stroller ng anak. Either nahihiya ang tao na lapitan siya at kausapin o gusto ng tao na ma-enjoy nito ang pagiging normal habang narito.
* * *
Balik-SOP si Heart Evangelista kahapon, patotoo ito sa sinabi ni Annabelle Rama na wala ng problema ang actress at ang GMA Network. Naiyak pa ang actress na nagpasalamat sa sumubaybay sa Luna Mystika na magtatapos na this week.
Wala pang next project si Heart at ‘di masagot ni Annabelle Rama kung gagawin nito ang TV remake ng Ngayon at Kailanman dahil ang nasa kontrata ng actress ay adaptation ng Korean novela ang dapat susunod niyang gawin.
Samantala sa Luna Mystika mamaya, magpapaawa si Celestina (Heart) kay Diana (Rita Avila) at magiging itim ang mga mata nito. Mag-aaway sina Celestina at Luna at sasaksakin ng una ang huli at sasaklolo si Dexter (Mark Anthony Fernandez).
* * *
Hindi lang pala sina KC Concepcion at Piolo Pascual ang magsu-shoot ng soap abroad, particularly sa Paris para sa Lovers In Paris. Pati ang Only You nina Angel Locsin, Sam Milby at Diether Ocampo ay may location din sa ibang bansa.
Sa Korea naman daw magsu-shoot ang tatlo, sa second week ng March ang kanilang alis at two weeks sila roon. Nag-cooking lesson si Angel para sa role niya sa bagong soap sa ABS-CBN at sa mga litrato nilang tatlo, mukha namang masaya silang magtatrabaho for the first time.
* * *
Sa April 9, pa pala ang kasal ni Alma Moreno sa mayor ng Marawi City at ‘dun na rin ang kasal at isang Muslim rites ang gagawin. Three years younger ang husband-to-be ni Alma at kung 50 years old na siya sa birthday niya sa May, 47 years old naman si mayor at first wedding niya ang kasal nila ng actress.
Sa isyung binawi raw ni Joey Marquez kay Alma ang ibinigay nitong car dahil ikakasal na nga, sabi ng kausap naming close sa actress, ang mga anak nina Alma at Joey na sina VJ at EmEm ang gumagamit ng sasakyan, pangsundo sa dalawa sa school. Government car ang SUV na gamit ni Alma bilang government official ng Parañaque City.
- Latest