Juday ayaw pagkakitaan ang kasal
Ano ba ‘yan, patung-patong ang suwerte ni Sarah Geronimo. Matapos humataw sa takilya ang You Changed My Life, ang sequel ng A Very Special Love na nagsimulang ipalabas last Wednesday (as of yesterday ay over P100 million na raw ang kita), heto’t nagri-rejoice naman siya sa pag-uwi ng anim na trophy galing MYX Awards. Yup, wagi siya sa anim na kategorya kasama na ang female artist of the year.
Actually, dahil sa laki ng kita ng You Changed My Life, sabi ni Mr. Vic del Rosario, ngayon pa lang ay confident na siya na si Sarah uli ang box-office queen ng 2009.
Actually, kung meron talagang ‘utak’ sa lahat ng tagumpay ni Sarah, si Mr. Del Rosario ‘yun.
Natatandaan ko noon na ang tagal niyang pinag-isipan kung sino talaga ang puwedeng maging leading man ni Sarah na bagay sa kanya at anong klaseng pelikula ang puwede. Maraming na-consider, pero talagang si John Lloyd Cruz ang target.
Hindi nagkamali ang kutob niya.
Sabagay tested na sa ganito si Mr. Del Rosario.
Siya rin ang gumawa noon kay Sharon Cuneta.
* * *
Tuloy ang paglipad ni Tito Alfie Lorenzo pa-Amerika sa date na sinasabing kasal ng alaga niyang si Judy Ann Santos.
May I show pa nga ni Tito Alfie ang text message ng assistant ni Juday tungkol sa confirmation ng kanyang flight sa May 11 to 16 (tama ba tito?).
Meaning kung totoong sa May 13 ang kasal nina Juday at Ryan Agoncillo, talagang wala si Tito Alfie sa bansa.
Kuwento ni Tito Alfie, wala raw talaga sa plano ng kanyang alaga na ibenta ang rights ng kasal nila ni Ryan kahit kikita ito ng milyun-milyon.
“Sabi ko nga sa kanya, pagdating ng araw, maiisip nilang sayang din ang kinita nila dun. Sana ‘yung kita sa coverage ng rights pambili na ng bahay,” kuwento pa ni tito Alfie na nangingiti na lang sa plano ng alaga.
Pero private wedding daw talaga ang gusto nito. Read : Ayaw pagkakitaan ni Juday ang kasal nila.
Sayang naman. (SALVE V. ASIS)
- Latest