Matapos tsugihin ni Dra. Belo Katrina babalik na kay Calayan
Alam ba ninyo na si Katrina Halili ay nagsimula kay Dr. Manny Calayan bago siya kinuhang endorser ng Belo ni Dr. Vicki Belo? Dahil sa gulong nangyari sa pagitan nina Katrina, Dr. Hayden Kho at ng doktora na siyang naging dahilan ng paghihiwalay ng dating magkasintahang Hayden at Vicki, out na ang sexy star bilang celebrity endorser ng Belo na obvious naman ang dahilan.
Sa pagkakaalam namin, gusto na umanong bumalik ni Katrina kay Dr. Calayan at pinag-iisipan umano itong mabuti ng huli. Kung saka-sakali man daw na muling tanggapin ni Dr. Calayan si Katrina, kailangang mag-behave na ito.
Kapag kinuha ka kasing endorser ng isang kumpanya o produkto, hindi lamang ang ganda ng mukha at katawan at laki ng pangalan ang kailangan kundi ang kabuuan ng pagkatao nito. Ang image ng isang endorser sa publiko ay napakahalaga.
Siguro, matinding lesson ang natutunan ni Katrina dahil sa kanyang pinasok na ‘gulo.’ Bakit ka nga naman papasok sa isang relasyon gayong alam mong may masasagasaan kang ibang tao na siya pang nagbigay sa iyo ng break bilang isang endorser?
Ang kontrobersiyang kinasangkutan ni Katrina bago nagtapos ang taong 2008 ay nakaapekto sa box office returns ng kanyang Metro Manila Film Festival movie na One Night Only ganundin ang kanyang papaganda na sanang relasyon sa mang-aawit na si Kris Lawrence. Ang layo na sana ng narating ng karera ni Katrina pero sa isang iglap ay nag-suffer ito nang dahil na rin sa sarili niyang kagagawan.
Samantala, i-deny kaya ni Katrina na naging boyfriend din niya noon ang bunsong anak na lalaki ni Rosanna Roces na si Onyok?
* * *
Malayo na nga ang narating ng kontrobersiya sa pagitan ng kampo ng dating magkakaibigan na sina Dr. Vicki at King of Talk na si Boy Abunda with Dr. Calayan on the side.
Marami rin ang nag-react in defense of Boy dahil napaka-uncalled for nga naman ang naging pahayag ng lady doctor nang ito’y mag-guest sa Showbiz Central nung nakaraang linggo.
Nang makausap namin si Boy sa set ng SNN nung nakaraang Miyerkules ng gabi, hindi na ito kasing emotional kumpara nung nakaraang Lunes at Martes ng gabi.
Inamin nito sa amin na talagang nasaktan siya nang husto sa tinuran ng doktora lalo pa’t matagal na umano niya itong kaibigan.
“Nasa-residency pa lamang siya ng kanyang pagiging doctor sa Makati Medical Center ay magkaibigan na kami. That’s how long na ang pagkakaibigan namin. Kahit nung itayo niya ang kanyang first clinic ay nandun ako. Wala kaming pinag-awayan at walang rason para kami ay mag-away kaya I was really hurt sa sinabi niya. Even if it was meant as a joke, in bad taste ang dating,” pahayag ng sikat na TV host.
Sa kabila ng mga nangyari, pinatawad na ni Boy si Dr. Belo. “Kung ang Diyos ay nagpatawad, ako pa kaya?”
Bukas din si Boy sa muli nilang pagkakabati ni Dr. Belo lalo pa’t may mga common friends silang namamagitan.
Ayaw namang mag-comment ni Boy nang siya’y tanungin tungkol sa isa pa niyang dating kaibigan na nakasamaan ng loob, ang Showbiz Central host na si John Lapus.
Samantala, ibinalita ni Boy na malilipat na sa Channel 2 ang kanyang Conversation with Boy Abunda pero papalitan ito ng ibang titulo at may kakaibang format na siya na rin mismo ang may konsepto.
Pinabulaanan din ni Boy na papasukin niya ang pulitika tulad ng mga napapabalita.
* * *
Tinalo ng You Changed My Life ang first day gross ng A Very Special Love na parehong pinagbidahan nina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo kaya masayang-masaya ang bagong tandem ganundin ang pamunuan ng Star Cinema at Viva Films.
Walang alinlangan na muling nakabuo ang Star Cinema at Viva ng bagong winning combination sa pagitan nina John Lloyd at Sarah considering na nung una ay halos walang chemistry ang dalawa.
Hindi ikinakaila nina John Lloyd at Sarah na kahit masaya sila, may halo ring lungkot dahil matagal umano silang magkakasamang muli sa isang pelikula at may kani-kaniya umano silang projects ngayong palabas (at pinipilahan) na ang You Changed My Life.
Ang tanong, mapantayan o malagpasan kaya ng You Changed My Life ang inabot ng top-grossing film na A Avery Special Love? Ano sa palagay mo, Salve A.?
* * *
Personal: Belated happy birthday last Thursday, February 26 sa ever friendly na si Lorie Dionisio, corporate PR ng ABS-CBN.
* * *
- Latest