Baron nambato ng cellphone nang 'di mapasahan ng load
Dapat kasama ni Annabelle Rama si JC de Vera sa presscon niya last Friday at ang plano, after niyang magsalita, ang actor ang sasabak sa Q&A with the press. Kaso, pinapunta ng GMA-7 ang actor sa Baguio kasama ang ibang talents ng network, kaya si Annabelle ang mag-isang humarap sa press, sinagot at nilinaw ang mga kinasangkutang isyu.
Dahil wala si JC, hindi namin ito natanong kung ano ang ibig sabihin sa isinulat sa kanyang Facebook account na “San Miguel is calling me again” at “Everyone is expecting me to answer, ang hirap lang, I’m forced to hurt one of them.”
Sa papasok na linggo, may meeting si Annabelle kay Atty. Felipe Gozon at du’n niya malalaman kung itutuloy niyang ilipat sa ABS-CBN ang actor o mananatili sa Channel 7. Sabi ni Annabelle, susundin ni JC anuman ang desisyon niya bilang manager dahil alam nitong sa ikagaganda ng kanyang career ang gagawin niya.
Wala pang next project si JC after na ‘di niya tanggapin ang Obra at ang maging leading man ni Carla Abellana sa Rosalinda dahil wala raw gagawin ang actor kundi sumayaw lang.
Umaasa si Annabelle ng magandang follow-up sa LaLola for JC after her meeting with Atty. Gozon.
* * *
May part two ang pelikulang My Monster Mom ni Annabelle Rama at pang-Mother’s Day presentation daw ng Regal Entertainment ang movie. Ang alam lang ni Annabelle na kasama sa original cast ay si Ruffa Gutierrez at madadagdag sa cast sina Aiko Melendez at Carmina Villaroel dahil gusto ni Mother Lily na i-revive ang grupo ng dalawa at ni Ruffa.
Wala pang idea si Annabelle kung si Joey Reyes pa rin ang director at kung may leading man siya at sa storycon pa niya malalaman ang detalye sa pelikula.
Dagdag ni Annabelle, kaya siya nagpa-implant dahil sa part two ng My Monster Mom.
* * *
Nag-sorry si Baron Geisler sa pagre-report na lasing sa taping ng Midnight DJ at nag-promise na hindi na mauulit ang nangyari. Sobrang depression ang dumating sa actor that day, kaya nagpakalasing.
Ang unang ikina-depress ni Baron ay ang pakikipag-break ng non-showbiz girl sa mismong Valentine’s Day dahil hindi niya napuntahan. Nag-taping daw ito ng Tayong Dalawa at hapon na nang matapos at pagdating ng bahay, gustong puntahan ang nobya para kausapin, pero hindi pinayagan ng ina at ‘yun ang number two na ikina-depress ng actor.
Dagdag na depression kay Baron ay nang hindi pasahan ng load ng kanyang driver para tawagan ang GF dahil alam ng driver na magtatatawag ito, eh, may trabaho nga naman.
Sa inis ni Baron, ibinato ang cellphone na ‘di naman magamit dahil walang load. Sa sama ng loob sa mga nangyari, naglasing ito, pero nangakong ‘di na mauulit ang nangyari.
* * *
Sa pagpapatuloy ng Bulong ng Puso sa Dear Friend, madidiskubre ni Toni (Jennica Garcia) ang panloloko sa kanya ni Patrick (Dion Ignacio) at sa wakas, mare-realize niyang si Mateo (Mart Escudero) ang mahal niya talaga.
* * *
Ang magkaroon ng special someone ang birthday wish ni Megan Young na nag-birthday last February 27 at excited na 19 years old na siya. Two years ago pa ang last relationship ni Megan, kaya gusto niyang magka-lovelife para may inspiration siya.
Maganda raw kung habang nagti-taping siya ng I Love Betty La Fea, may tumatawag para mangumusta. Crush nito si Jon Avila at gusto niya ang mga mata nito. Kikiligin daw siya kung liligawan siya ng binata na nali-link kay Rufa Mae Quinto.
- Latest