^

PSN Showbiz

Actress na 'di sikat mas mahal pa ang TF kay Juday

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

May pagka-ilusyonada rin pala ang isang aktres na not so famous naman kung tutuusin. Demanding as in. Imagine, sobang mahal daw kung maningil ng talent fee nang minsang gusto siyang kuning endorser ng isang produkto. At heto, mas mahal pa raw sa talent fee ni Judy Ann Santos na ‘di hamak na mas sikat at effective endorser sa kanya. Kaya ang ending, hindi na siya kinuha ng ahensiyang sana ay makikipag-negotiate sa kanila dahil nahulog agad sa upuan ang kausap nila nang sabihin ang TF ng actress/singer na ito.

Lesson learned: ‘wag masyadong mag-ilusyon. Hindi pa naman siya gaanong kasikatan para manghingi ng super mahal na TF.

* * *

Ayaw munang gumawa ng drama ni Direk Chito Roño after ng Caregiver ni Megastar Sharon Cuneta.

“Gusto ko munang lumayo sa drama. Mahirap gumawa ng drama,” sabi ni Direk Chito nang maka-tsika namin kahapon para sa advance promo ng T2 (Tenament 2) starring Maricel Soriano na susunod na ipapalabas ng Star Cinema after ng showing ng super successful na You Changed My Life (kumita ng P18 million sa first day).

Base sa trailer ng movie, nakakatakot ito at parang mas grabe ang takot factor kesa sa mga nauna niyang pelikulang Feng Shui at Sukob na parehong winner sa takilya nang ipalabas.

Pero dapat ba kaming magmalisya sa sinabi ni Direk Chito na ayaw muna niya sa drama? Dahil ba sobrang hirap daw ang inabot niya sa shooting ng Caregiver? Kasi natatandaan ko na nabalitang dusa raw ang inabot nila sa shooting dahil nadi-delay at nagka-problema raw sila kay Mega.

Actually, bumawi naman si Direk Chito na before the year ends, gagawa uli siya ng drama.

Going back to T2. Hindi fantasy ang pelikula kundi pinasok nila ang mundo ng engkanto. At na-amazed siya na marami palang experience ang mga staff niya sa engkanto - like may isang pinsan ang isang staff niya na niligawan ng engkanto at kung anu-ano pang kuwento na scary tungkol sa mundo ng engkanto.

At dahil gagastos sila ng malaki sakaling itayo ang building na kailangan sa mga mundo ng eng­kanto, gumamit na lang sila ng CGI, kaya heavy ang special effects na pelikula na naka-schedule ipalabas sa Black Saturday, April 11.

FYI, huli silangnagka-trabaho ni Maricel sa Dahas.

“Enjoy akong katrabaho siya. Professional talaga. Hindi mo siya po-problemahin pagdating sa trabaho. Alam na niya ang gagawin niya pagdating sa shooting,” sabi ni Direk Chito.

Kasama ni Marya sa pelikula si Mika, kapatid ni Angelika dela Cruz na napili sa libu-libong nag-audition para sa nasabing role.

May kakaibang mata raw si Mika na nakita ni Direk tulad ng kay Serena Dalrymple noon.

* * *

Parang 22 lang yata ang sukat ng waist ni Toni Gonzaga ngayon. As in super liit na parang liliparin ng hangin. Nakita namin yun kahapon sa launching ng Love Duets (album) nila ni Sam Milby under Star Records.

Habol pa sa Araw ng mga Puso ang nasabing album dahil today lang naman ang katapusan ng love month.

Pero kahit na parang nabawasan ang timbang ni Toni, bilib naman sa kanya ang ka-duet niyang si Sam.

In fact, ang feeling ni Sam, ka-boses ni Christine Aguillera si Toni. Pero nang hingan ng sample song ang singer/actress ng CA song, umaga pa raw, sa gabi lang niya kayang gawin ‘yun.

Actually, maraming nanghihinayang sa naudlot nilang relasyon noon. Sabi nga ni Toni, busy kasi noon si Sam kaya sila nagkanya-kanya. Pero hindi man sila nagkatuluyan, parang may spark naman sa mga eyes nila habang kumakanta sa album launching ng Love Duets na out na sa mga record bars ngayon.

BLACK SATURDAY

CAREGIVER

CHITO RO

CHRISTINE AGUILLERA

DIREK

DIREK CHITO

FENG SHUI

LOVE DUETS

PERO

TONI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with