^

PSN Showbiz

JC pinalitan ni Geoff Eigenmann sa GMA

- Veronica R. Samio -

Napakaswerte ng anak ni Gina Alajar na si Geoff Eigenmann, pinalitan niya si JC de Vera sa napaka-kontrobersyal na role na tinanggihan nito sa isang teleserye na maaring magbigay sa kanya ng pinakamalaki niyang break bilang artista.

Bagaman at hindi na maituturing na baguhan si Geoff sapagka’t may ilang panahon na rin siyang umaarte sa bakuran ng ABS CBN, first time niya sa Kapuso.

Hinahawakan ang career niya ngayon ng manager din ni Dingdong Dantes.

* * *

Bukod sa kanilang puspusang paghahanda para sa Star Awards for Movies, abala rin ang mga miyembro ng Philippine Movie Press Club (PMPC) para sa dalawang malalaking musical concert na ipoprodyus nito sa buwan ng Marso.

Ito ang Sabado Summer Saya na magaganap sa Marso 14, 10:00 NG sa Zirkoh Greenhills.

Itatampok dito sina Ronnie Liang, Richard Poon, Lovi Poe, Ate Gay, Rubi-Rubi, Lance Raymundo, Sexbomb Girls, Yellow Milano at Dance Squad Dancers. 

Ang ikalawa ay ang Erik Santos and the Single Ladies sa Marso 25, 10:00 N.G, sa Zirkoh Greenhills din. Itatampok dito si Erik Santos in a night of music, laughter and a touch of romance with today’s lovely ladies of Philippine entertainment led by Toni Gonzaga, Diana of Eat Bulaga, JayAnn Bautista of Pinoy Idol and Valerie Concepcion. With special guests Mico Antonio, Dennis Santos, Geoff Taylor and the Dance Squad Singers.

 Both shows are produced in cooperation with the Philippine Movie Press Club (PMPC) and Zirkoh, Greenhills, with Roldan F. Castro, ang bagong pangulo ng PMPC, as overall chairman.

For particulars, please contact Rodel Fernando (0915-5698078) and Rommel Galapon (0926-6821956).

* * *

Solo-bida na ang tambalan nina Aljur Abrenica at Kris Bernal sa Sine Novela Presents Gilda Olvidado’s Dapat Ka Bang Mahalin na magsi­simulang mapanood sa Marso 2.

Tungkol ito sa isang magkasintahang nagtanan, pumasok sa maagang pag-aasawa at namulat sa tunay na responsibilidad ng pagkakaroon ng pamilya.

Pelikula ito nung dekada ‘80 nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion kasama si Chanda Romero. Ang role niya ay gagampanan ni Ara Mina.

Sinasabi ng maraming nakasaksi sa taping ng bagong teleserye na napaka-sweet daw nina Aljur at Kris. Dapat daw matakot ang balitang gf ng aktor na si Rich Asuncion na nag-deny sa namumuong closeness ng dalawa.

* * *

Samantala, bubuhayin naman ng mga kabataan ng ABS-CBN, simula sa Marso 1, ang mga roles na ginampanan nun nina Dina Bonnevie, Maricel Soriano at Snooky Serna sa pelikulang Underage.

Una ang pelikulang ito ng Regal Films sa serye ng mga bagets movies na isasalin ng Kapamilya network sa telebisyon.

 Gagampanan nina Melissa Ricks, Empress Schuck at Lauren Young ang role ng tatlong Regal Babies na umabot sa katanyagan at kinilalang mahuhusay na aktres. Bibigyan lamang ng Kapamilya network ng bagong twist ang istorya para umangkop sa panahon ngayon. Matatandaan na mga 20 taon na o mahigit pa nang unang mapanood ito sa pelikula.

 Sinunod ni direktor Manny Palo ang istorya tungkol sa tatlong magkakapatid na pumunta ng Maynila na kung saan nakilala nila ang mga unang lalaki na naging malaking bahagi ng kanilang buhay.

ALJUR ABRENICA

ARA MINA

ATE GAY

CHANDA ROMERO

DANCE SQUAD DANCERS

DANCE SQUAD SINGERS

MARSO

PHILIPPINE MOVIE PRESS CLUB

ZIRKOH GREENHILLS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with