^

PSN Showbiz

Doktor at pulitikong Hapon nababaliw kay Pacman

RATED A - Aster Amoyo -

Gusto naming humingi ng dispensa kay Sen. Jinggoy Estrada dahil hindi na kami nakahabol sa kanyang belated birthday celebration na ginanap sa Blue Leaf sa McKinley Hills.

Ganunpaman, napag-alaman namin na well-attended ang nasabing okasyon na dinaluhan hindi lamang ng mga magulang ng batang senador na sina dating Pres. Joseph Estrada at si dating Sen. Loi Estrada at iba pa niyang mga kaanak, mga kaibigan in and out sa showbiz at political circle.

Masaya man si Jinggoy sa katatapos niyang party, hindi pa rin nito maiwasang malungkot dahil wala na ang kanyang bestfriend na si Rudy Fernandez na palaging present sa tuwing sumasapit ang ganitong okasyon. 

Pero ito’y pinunan ng biyuda ni Daboy (Rudy) na si Lorna Tolentino. Naroon din siyempre ang iba niyang barkada tulad nina Sen. Bong Revilla at Phillip Salvador.

Marami rin ang nagulat sa pagdating ng People’s champ na si Manny Pacquiao na kumpare na ngayon ni Jinggoy dahil isa siya sa tumayong ninong ng bunso ni Manny na si Queenie (Queen Elizabeth).

 Ang nasabing birthday party ni Jinggoy ay nagsilbi ring ‘thanksgiving party’ dahil halos kalalabas lang niya ng hospital sanhi ng kanyang tinamong infection sa kanyang operation sa gall bladder.

* * *

Sana maayos sa lalong madaling panahon ang nama­magitang gusot sa pagitan nina Annabelle Rama at GMA 7 executive na si Wilma Galvante dahil ang mga talents na hawak ni Annabelle na sina JC de Vera at Heart Evangelista ang naiipit sa ‘giyerang’ namamagitan sa dalawa.

Hindi na actually bago ang alitan sa pagitan nina Annabelle at Wilma dahil nangyari din ito noon na may kinalaman naman kay Richard Gutierrez.

Bilang talent manager, pinu-protektahan ni Annabelle ang interes ng kanyang mga talents, ganoon din si Wilma sa interes naman ng kanyang pinaglilingkurang network.

Naniniwala kami na walang problema ang hindi mabibigyan ng solusyon kung ito’y idadaan sa maganda at paupong usapan.

* * *

Kahit matagal nang break sina Richard Gutierrez at Anne Curtis, very close pa rin ang huli sa pamilya ni Richard lalung-lalo na sa kambal nitong si Raymond. Katunayan, sa recent vacation ni Anne in Hong Kong with her friends, kasama niya si Raymond at may plano pa sila na mag-tour sa Europe in May kung libre ang kanilang mga schedules.

* * *

Ayaw tanggapin pareho nila Richard Gutierrez at KC Concepcion na last pairing na nila ang When I Met U na part ng barter deal between Star Cinema at GMA Films. As far as they are concerned, mangyayari pa rin ang team-up nila sa pelikula in the future hindi nga lamang nila alam kung kelan.

Sa ngayon, focused si Richard sa bago niyang TV series, ang Zorro na magsisimula na ngayong Marso habang si KC naman ay magsisimula na sa kanyang kauna-unahang TV series with Piolo Pascual na siya rin niyang makakatambal sa isang pelikula sa Star Cinema.

* * *

Malaki na talaga ang ipinagbago ni Robin Padilla. Inamin nito na hindi na umano siya umiinom at naninigarilyo dahil ayaw din niyang masira bilang isang celebrity endorser. Pati nga raw pambabae ay iniwanan na rin ni Binoe.

Dahil sa magandang disiplina ni Binoe sa kanyang sarili, mas positibo na siya sa maraming bagay at lumalabas ito sa kanyang buong katauhan. 

Marami ang nakakapansin na mas lalong bu­mata at gumuwapo si Binoe.  Napakaganda rin ng kanyang katawan na alaga niya ngayon sa ehersisyo.

Gustong ipamana ni Binoe ang positive values sa kanyang mga anak kaya siya na rin ang nagdesisyon na magbago. Mas focused siya ngayon sa kanyang trabaho laluna sa kanyang bagong simulang teleserye, ang Totoy Bato.

* * *

Grabe talaga ang appeal nitong si Manny Pacquiao

Alam mo ba, Salve A. na hindi lamang sina Vice-President Noli de Castro, dating Vigan, Ilocos Sur Gov. Chavit Singson at DENR Sec. Lito Atienza ang mga pangunahing tagahanga ng People’s Champ kundi maging ang dalawang prominent personalites ng Japan na sina Cong. Yasutoshi Nishimura at Dr. Osamu Kato.

Unknown to Manny, sina. Cong. Nishimura at Dr. Kato ay pareho niyang avid fans at nakasubaybay ito sa kanyang mga laban at nagpupunta pa ng Las Vegas, Nevada para lamang panoorin ang kanyang mga laban.

Si Dr. Kato ay isang pamoso at best IVF doctor ng Japan at nasa annual list bilang Top 50 Taxpayers ng Japan.  Dahil sa kanyang pagiging big fan ni Manny, gusto niyang imbitahan sa Japan si Manny at pamilya nito at sagot niya ang lahat ng expenses. Ganoon kagalante ng Japanese doctor na ito para kay Manny.

Sinabi nina Dr. Kato at Cong. Nishimura na si Manny ay hindi lamang pride ng Pilipinas kundi ng buong Asya.

Parang type naming mag-bridge kina Dr. Kato, Cong. Nishimura at Manny para makasama kami sa biyahe sa Japan ng libre. 

Sama ka, Salve A?

* * *

Email:   [email protected]

ANNABELLE

DAHIL

DR. KATO

KANYANG

MANNY

RICHARD GUTIERREZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with