^

PSN Showbiz

Pamilya ni Marky Cielo may problema

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Na-bother ako sa isang e-mail na ipinadala sa akin tungkol sa kalagayan ngayon ng pamilya ni Marky Cielo.

Hindi ko na muna ikukuwento ang nilalaman ng sulat pero ipararating ko ito sa mga kinauukulan para mag­karoon ng magandang resulta.

  Pero may sasabihin ako sa  e-mail sender, hindi nagpabaya ang mga tao na tinutukoy niya. Naging supportive sila sa mga naulila ni Marky, physically, emotionally and financially.

* * *

Hindi ko napanood ang pag-iyak ni Boy Abunda sa SNN dahil maaga akong natutulog. Masyadong late para sa akin ang timeslot ng SNN kaya wala akong chance na mapanood ito.

May nagkuwento sa akin na umiyak si Boy dahil sa statement ni Dra. Vicki Belo na kung type ng mga tao na maging kamukha ni Boy, pumunta sila sa clinic ni Dr. Calayan pero kung feel nila na maging kamukha ni Dingdong Dantes at Piolo Pascual go sila sa Belo Medical Clinic.

May lunch date kami ni Mama Vicki. Kapag nagkita kami, itatanong ko sa kanya  kung nagbibiro ba siya o double-meaning ang statement.

Pareho kong friends sina Boy at Mama Vicki. Hindi ko type na nag-aaway ang mga kaibigan ko  ‘noh!

Knowing Mama Vicki, may explanation siya sa kanyang statement sa Showbiz Central na biglang naging malaking intriga at kontrobersya.

Ikukuwento ko sa inyo bukas ang mga napag-usapan namin ni Mama Vicki sa aming lunch date para hindi kayo wondering and wandering sa katotohanan. Wondering at wandering daw o!

* * *

Read ninyo ang e-mail ni Adrian para may positive news na ating ikatutuwa at ipagmamalaki. Tungkol sa katatapos na Oscar Awards   ang e-mail ni Adrian:

Regular reader  po ninyo ako. Isa sa winners (although hindi nag-uwi ng Oscar trophy) na puwede nating ipagmalaki ay si Monique Lhuillier. 

Isang Filipina na na-infiltrate ang Hollywood who’s who...  Sa Oscars isa si Robin Wright Penn (asawa ni Best Actor Winner Sean Penn) sa mga iginawa niya ng gown. 

Check ninyo na lang ang link http://oscars.movies.yahoo.com/photos/85-oscars-fashion-report-card?nc#OmgPhoid=37.Isang proud Pinoy!

vuukle comment

ADRIAN

BELO MEDICAL CLINIC

BEST ACTOR WINNER SEAN PENN

BOY ABUNDA

DINGDONG DANTES

DR. CALAYAN

ISANG FILIPINA

KNOWING MAMA VICKI

MAMA VICKI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with