Kakampi ng Industriya
MANILA, Philippines - Pinatunayan na naman ni Cong. Irwin Tieng ng Buhay Partylist na totoong kakampi siya ng mga taga-industriya dahil sa matagumpay niyang naipasa ang panukalang naglalayon na mapababa ang amusement tax o ang House Bill 5624.
Isa si Cong. Irwin na naghirap upang mailapit sa katuparan ang mga pinapangako ng panukalang ito. Pagpupulungan na lang ng Senado at Kongreso sa isang bicameral committee ang naturang panukala, pagkatapos ay isusumite na ito sa Pangulo para tuluyan na itong maisabatas.
Masipag talaga ang bagitong kongresistang ito dahil halos lahat ng mga panukala nito ay tumatakbo na katulad ng Anti-Camcording Bill (HB 4117), na nakatakda nang pagpulungan para sa ikatlo at huling reading sa Kongreso, Cyber-boso Bill (HB 4315), na napasinayaan na ng Committee on Justice, Restoring Philippine Inventors Commission Bill (HB 5152), “Braille” Bill (HB 4217), at “Anti-Texting While Driving” Bill (HB4917).
“Ginagawa ko lang ang sinumpaan kong tungkulin,” sabi ni Cong. Irwin.
- Latest