BF LALANTAD NA
MANILA, Philippines - May nasisindak sa kanya. Meron ding nagagalit dahil sa paggamit niya ng kamay na bakal sa paglilinis ng mga bangketa at demolisyon ng mga bahay na iligal na itinayo sa mga estero. Pero marami rin ang hanga sa kanyang talino at pagiging masipag at tapat na Chairman ng Metro Manila Development Authority.
Ito si Bayani Fernando o BF na ngayong Linggo alas-diyes hanggang alas-onse ng umaga’y tampok sa Life and Style with Ricky Reyes sa QTV-11. Aalisan ni Mother Ricky (Reyes) ng maskara ang panauhin upang ilantad sa publiko kung sino ang ginoong ito mula pagkabata hanggang maging public servant.
Matutunghayan sa Great Hair Day ang pagpapaganda sa isang tila tomboy na si Maan Pintado. Gaganap naman si Michael Anthony Garcia ng Pinoy Pop Superstar sa papel ni Roberto Garcia na isang scholar ng Tesda sa segment na Testa Bida.
Tutok lagi sa Life and Style with Ricky Reyes na produksyon ng Scripto Vision tuwing Linggo ng umaga.
- Latest