Imelda nasa TV 5 na
MANILA, Philippines - “Thank God, when they opened my closet, they found shoes not skeletons.” Ang documentary ni Ramona Diaz na tinatampukan ng walang iba kundi ng kontrobersyal na Unang Ginang Imelda Marcos ang mapapanood sa Martes (Pebrero 24) sa Sundance Film Festival award-winning docu na Imelda.
Bida ngayong Linggo sa 5MAX Movies ng TV5 ang kontrobersyal na byuda ng former dictator na si Ferdinand Marcos sa self-titled and critically acclaimed documentary na Imelda. Mapapanood din this week ang Hollywood blockbusters na Original Sin, Panic Room at Amityville 2.
Sa Lunes (Pebrero 23), kikilitiin kayo ng malambing at sikat na friendly ghost sa live-action movie na base sa cartoons with the same title na Casper, starring Bill Pullman, Cathy Moriarty at Christina Ricci.
Sina Angelina Jolie at Antonio Banderas naman ang magpapainit sa inyong gabi sa Miyerkules (Pebrero 25) sa sexy, suspenseful thriller na Original Sin.
Mamangha naman sa ganda ni Kim Basinger bilang isang alien na kaiinlove-an ni Dan Akroyd sa classic family movie na My Stepmother is an Alien, showing sa Huwebes (Pebrero 26).
Sa Biyernes (Pebrero 27), makipaghabulan naman kasama sina Jodi Foster at Kristen Stewart habang nakikipagtaguan sa tatlong kriminal sa pelikulang Panic Room.
Based on the popular novel na pinamagatang Murder in Amityville, ang kakila-kilabot na classic horror movie na Amityville II: The Possession naman ang mapapanood sa Sabado (Pebrero 28).
Enjoy all these critically acclaimed classic Pinoy and Hollywood movies in 5MAX Movies this week, every 9:00 p.m. on TV5.
- Latest