Ara Mina napagalitan ni Robin
Balik-GMA 7 na naman si Ara Mina. Sa kasalukuyan ay kasama siya sa Totoy Bato na pinagbibidahan ni Robin Padilla at kasama sina Regine Velasquez, Eddie Garcia at Manny Pacquiao.
Natutuwa siya kapag naaalala na minsan ay nakagalitan siya ni Robin dahil nakita siyang kumakain sa styrofoam. Katwiran kasi ng aktor na lubhang maalaga sa kanyang mga co-stars ay mayro’n namang plato siyang magagamit, bakit daw hindi na lamang siya humingi sa catering para nakakain pa siya ng maayos? Sagot naman ni Ara ay gutom na gustom siya nang dumating kaya nang makakita siya ng isang packed meal na naka-styro nga ay agad na siyang kumain.
* * *
Poor JC de Vera, naiipit siya sa away ng kanyang manager at ng GMA 7. Inaabangan ngayon ng marami kung mapu-pull out ba siya o mananatili sa poder ng Siete na kung saan ay inaamin naman niyang masaya siya at kontento dahil maganda ang takbo ng kanyang career.
* * *
After magsagawa ng mga auditions, kay Rhian Ramos din pala mapupunta ang lead female role sa TV series na Zorro na tatampukan ni Richard Gutierrez. Kung sabagay, bagay sa kanya ang role na ginampanan sa movie ni Catherine Zeta-Jones.
Napakaswerte talaga ni Rhian, matapos niyang gawin ang record-breaking La Lola, eto at kasali na naman siya sa Zorro. Ang maganda lamang sa kanya, swerte mang maituturing ang mga magagandang opportunities na dumarating sa kanya, tinatapatan naman niya ito ng hard work. Masipag siya at talaga namang may talent.
* * *
Nag-branch out na sa pagma-manage ng mga babaeng talents si Lito de Guzman. Isa sa mga artists niya ngayon ay si Alvin Fortuna na mapapanood sa Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang.
Kumpara sa mga babaeng unang hinawakan ni Lito, tulad ng Baywalk Bodies na palaban sa hubaran, tumatanggi naman sa mga pelikulang indie na sobrang pang-gay itong si Alvin. Ayaw niyang makipag-kissing scene sa kapwa niya lalaki!
Pero nakalabas na siya sa isang indie movie, ang Recados kasama si Eula Valdez. Pinaka-daring na ginawa niya ay yung paghuhubad hindi sa isang pelikula kundi sa isang acting workshop na dinirek ni dating Rustom Padilla bilang direktor pero ngayon ay kilala na sa pagiging Bb. Gandanghari.
Dalawa silang baguhang aktor na involved sa workshop, pinagpipilian sana kung sino sa kanila ang magiging bida at support sa isang movie na gagawin ni Rustom noon pero, na-shelved ito at hindi na niya nalaman kung ano ang nangyari rito.
Bukod sa pag-aartista, isa ring commercial model si Alvin, isang malaking dahilan kung bakit marami siyang tinatanggihang indie movies. Malaki ang kinikita niya sa komersyal.
Kagagaling lang sa bakasyon sa London ni Alvin.
* * *
Muli, pumayag na sumalang sa telebisyon, ngayong hapon sa Showbiz Central si Dr. Vicki Belo. Siguradong mauungkat na naman ang naging paghihiwalay nila ni Dr. Hayden Kho lalo’t pumayag siyang ma-feature sa segment na Gimme Mo na pawang mga kontrobersyal na tanong ang ihahagis sa kanya.
Pumayag din namang matanong ng kanyang mga kapwa artista si Robin Padilla sa intriga crossfire.
Magkalakas loob kaya silang banggitin dito ang tungkol sa kontrobersyal na kapatid nito?
Ito ang pakaabangan natin!
- Latest