^

PSN Showbiz

Anne gustong balikan si Richard

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

At least hindi nag-deny si Anne Curtis na scary ang stairs paakyat sa room ng bahay ng ex-dyowa niya ngayong si Sam Milby. May nag-tsika kasi nung minsan na nadulas si Sam na magkuwento na may mga nagre-reklamo sa stairs ng bedroom niya dahil walang railing. So ang tendency nga naman, walang hahawakan ang aakyat papunta sa room niya. Say ni Anne, talagang naka­katakot. Pero ang say ng source, mga, meaning hindi lang si Anne ang naki-bonding sa room ni Sam sa kanyang bagong gawang house sa Pasig.

Anyway, kung sino pa mang iba, sure ako na wala nang pakialam si Anne dahil sabi niya, ayaw na niyang mag-comment tungkol sa mga nangyari sa kanila ng singer/actor na abala ngayon sa concert nilang Pop Icons.

“I’m happy. Ayoko nang mag-comment. Sana siya rin,” sagot ng aktres na ngayon ay mas bongga na ang level dahil recognized na ang kanyang pagiging aktres matapos maiuwi ang best actress trophy sa Metro Manila Film Festival last year.

Anim na buwan na siyang walang boyfriend since maghiwalay sila ni Sam. “Wala munang lovelife,” sabi ni Anne na katatapos lang mag-birthday last February 17 at nakasuot ng pang-Dyosang head band sa tsikahan kahapon na nabili raw niya sa Hong Kong.

Mas nagi-enjoy si Anne ngayon sa pagta-travel. Kelan lang ay nagpunta sila ng HongKong ng kanyang mga kaibigan - majority non-showbiz at si Raymond Gutierrez lang ang masasabing showbiz. Walo silang nag-Valentine sa HK na ang pakay talaga nila ay mag-shopping dahil sale. Pero two days na palang tapos ang sale sa mga signature stores.

After ng HK, sa Europe naman sila pupunta. Sa HK, siyam sila, pero sa Europe anim lang silang aalis. One month siyang mawawala kasama ang mga kaibigan.

Maglilibot sila sa buong Europe na isa sa mga pangarap niya noon pa. Plano nilang pumunta ng Paris, Italy, Spain, France, at kung saan-saan pa.

KKB o kanya-kanyang bayad sila ng mga kaibigan niyang ang ilan ay models.

Kasama rin kasi sa birthday wishes niya ang mag-travel nang mag-travel.

At ang mga kaibigan niyang ito ang itinuturong salarin kaya sila naghiwalay ni Sam. Madalas daw kasing lumabas sa gabi si Anne kasama ang mga kaibigan na hindi feel ni Sam.

Anyway, mga offbeat role naman ang gustong i-portray ni Anne. Tipong mga ginagampanang papel ni Angelina Jolie like Girl Interrupted o kaya ay Original Sin na sobra ang pagka-daring. Kaya lang, alam kaya ni Anne na nominated na worst actress si Angelina Jolie sa Golden Raspberry Award sa Original Sin? At puwede raw Antonio Banderas sa pelikula sina John Lloyd Cruz at Richard Gutierrez.

Actually, isa si Anne sa masuwerteng artista. Kabi-kabila ang kanyang endorsement, nakakuha na ng best actress award at ngayon tuluy-tuloy ang taping nila ng The Wedding kasama sina Zanjoe Marudo at Derek Ramsay.

* * *

Tanong ni ‘Nay Lolit Solis sa presscon kahapon: “May share ba sa PLDT MyDSL si Paolo Contis?” Naisip niya kasing bakit ang mga ex-girlfriend ng alaga niyang aktor ang kinukuhang endorser ng PLDT MyDSL.

Una si Nancy Jane (Nancy Castiglione) tapos ngayon si Isabel Oli kasama si Rhian Ramos na parang alaga ng GMA Artist Center para sa My DSL’s Overdrive Campaign. Baka raw sa susunod, si Lian Paz naman ang kunin nila. ‘Yun ay after na maghiwalay sila ni Paolo. Natawa na lang ang taga-MyDSL.

Anyway, magsisimula ang MyDSL Overdrive sa Ultra Broadband Blowout sa Virra Mall Greenhills next Saturday and Sunday (February 28 at March 1) kung saan magi-enjoy ang lahat sa ibibigay nilang discounts sa laptops with free DSL.

ANGELINA JOLIE

ANNE

ANNE CURTIS

ANTONIO BANDERAS

ARTIST CENTER

DEREK RAMSAY

NIYA

ORIGINAL SIN

SILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with