Nakakabilib na puwersa ng kalikasan
MANILA, Philippines - Napanood kagabi ang last episode ng Full Force Nature hosted by Richard Gutierrez na naghatid ng mga madrama at nakakabilib na video footages na bunga ng pabugsu-bugsong hagupit ng kalikasan.
Ang Full Force Nature ay unang umere noong December 2 at nagkamit ng mataas na 18.4 rating. Gayundin, maraming manonood ang sumusubaybay dito dahil na rin sa kakaiba, nakakabilib at napapanahon nitong tema.
Buong puwersang ibabahagi ni Richard na isang Greenpeace advocate ang mga kuwento ng mga aktwal na natural disaster na minsan nang gumimbal sa buhay ng mga walang kamalay-malay na mamamayan.
Mula sa mga mapanganib na bagyo hanggang sa mga nagngingitngit na buhawi, patuloy ang Full Force Nature sa pagbigay ng impormasyon sa kung papaano makakaligtas o makakaiwas sa mga paparating na trahedyang dulot ng kalikasan.
- Latest