'Wala akong offer sa GMA 7' - Claudine
Uy, may nagpadala pala kay Sarah Geronimo ng bulaklak noong Valentine’s Day. Guess who? Hindi raw si Rayver Cruz. At hindi rin si John Lloyd Cruz. Kundi isang foreigner na nakilala raw si Sarah pag nako-concert siya sa abroad.
Binuking ni Sarah na Keith ang name at madalas daw itong magpadala ng bulaklak pero dedma ang aktres dahil bisi-bisihan siya lalo na ngayon sa promo ng You Changed My Life na ang lakas ng kilig factor kahit sa trailer pa lang.
Work ang ginawa nila ni John Lloyd Cruz last Valentine, kumbaga sila ang ‘nag-date.’
Anyway, simula raw nang i-launch ang trailer ng You Changed My Life, marami na ang aligagang panoorin ito.
Cute kasi ang mga dialogue na kahit ako ay naaliw, in fairness kahit ‘di ko na sila ka-age. Hehehe.
Like dun sa dialogue ni Laida Magtalas (Sarah) na : Feeling ko magaling ka talaga sa puzzle, kasi kakaumpisa pa lang ng araw ko, nabuo mo agad.
“I can’t be jealous, I’ve never been jealous...ngayon lang.” Miggy (John Lloyd)
Corny, pero nakakakilig di ba?
Showing na sa February 25 ang You Changed My Life under Star Cinema sa direksyon ni Direk Cathy Molina na in fairness ay hindi nagpatalbog sa pictorial ng kanyang mga artista. Naka-shorts.
* * *
“Not true and wala namang formal offer,” say ni Claudine Barretto sa launching ng Knorr Real Sarap All In One Seasoning Mix tungkol sa bulung-bulungan na lalayasan na niya ang Kapamilya Network dahil hanggang ngayon ay wala pa siyang trabaho samantalang matagal-tagal na ring wala siyang ginagawa after ng Iisa Pa Lamang.
Nagiging maugong kasi ang kuwento tungkol dito tapos may kuwento pa na mas uunahin niya ang pelikula dahil nga wala pa namang plano sa kanya ang ABS-CBN kaya pinag-iisipan na niyang lumipat. Pero sadly, wala sa plano ni Claudine na maging Kapuso kahit nakatali sa nasabing network ang kanyang asawang si Raymart Santiago.
Kung sabagay, realista na si Claudine ngayon sabi nga niya sa launching ng Knorr seasoning mix kaya hindi siya basta-basta puwedeng mag-decide.
At habang wala siyang pinagkakaabalahang trabaho, pagluluto muna ang kanyang inaasikaso.
Actually, bata pa lang daw siya, sobra na ang hilig niya sa pagluluto pero hindi na niya maalala kung anong ulam ang unang-una niyang niluto.
“We are seven in the family, and cooking was always a happy, interactive event. The smaller kids could pitch in for the little tasks, like beating eggs or pinching chicken meat into strips,” kuwento ng aktres kahapon.
Wala naman siyang formal training sa cooking pero ang ninang niyang may-ari ng Via Mare na si Ms. Glenda Barretto ang unang nagbigay ng tamang process ng pagluluto. Though kumukuha siya ng cooking techniques from celebrity chefs like Nigella Lawson and Rachel Ray. Pero ang kanyang tita at ninang ang biggest inspiration niya.
Anyway, kasama kahapon ng aktres sa press launching ng Magic Sarap sina Raymart, Sabina at Santino na kasama rin sa TV commercial nito.
* * *
For the fifth time, pinatunayan ni Richard Gutierrez na siya nga ang undisputed king ng Valentine movies. Ang currently showing na When I Met U na Valentine offering ng GMA Films at Regal Entertainment ay pumatok sa box-office as in pinilahan sa mga sinehan.
Actually, malaki ang nagawa ng word of mouth para mas lalong pilahan ang pelikula na umabot daw sa P25 million ang kita last Valentine.
Pang-limang Valentine movie na ni Richard ang When I Met U, kasama ang Let The Love Begin, I’ll Always Love You, The Promise, and My Best Friend’s Girlfriend.
At in fairness to him, pinuri rin ang pelikula. Say ng isang kilalang kritiko: “ Yes, hindi na lang siya pretty face, and we’re hoping that Richard’s growth and new-found sensitivity don’t stop here.”
Kaya next Valentine, wait na naman tayo sa movie ni Richard.
* * *
From My Inbox
Hello Ms. Salve, lagi akong nagbabasa ng article mo. Sa iyo ko na lang ipapadala itong scoop ko.
Ang tunay na boyfriend ni Ara Mina ay si Raymond Ilusorio-Yap ang nickname ay Momoy. Ang lolo n’ya ay si Don Emilio Yap, may-ari ng isang publication. Sila rin ang may-ari ng Manila Hotel at Prince Hotel. Pati Euro Med, pagawaan ng Dextrose at ibang gamot.
Marami silang negosyo na ’di mabibilang.
Prominenteng pamilya. Dapat magtino si Ara.
Kung ako ang nanay ni Momoy, ’di ako papayag mapunta anak ko kay Ara. Kung artista rin lang sana, si Angel Locsin na lang o si Cristine Reyes, ang kapatid niya. (Ha, bakit naman?- SA)
Hay, Ara ipagdasal mo na huwag mauntog si Momoy ha.”
Eva Borsigue ([email protected])
* * *
Well, kung true ito, good luck to Ara.
Bukas ang pahinang ito sa sagot ng aktres.
- Latest