Tatlong kotse ang katumbas, Richard pinahihiram si KC ng mamahaling relo
MANILA, Philippines - Bilib na kami sa mga fans nina KC Concepcion at Richard Gutierrez dahil lahat ng kilos ng dalawa’y binabantayan. Ang mga fans ang nakapansin ng mamahaling wristwatch ng actor na ipinahiram kay KC sa promo ng When I Met U.
Akala ng mga tagahanga pareho lang ng relos ang dalawa, pero napansin nilang ’pag suot ni Richard ang relos, walang suot si KC and vice-versa. Nadiskubre nilang iisang relos ang gamit nila at relos ’yon ni Richard. Ni-research nila ang relos at nalamang Hublot ang brand nito na sobrang mahal at tatlong kotse raw ang katumbas ng isang relos.
Ayon pa sa research nila, ang Hublot wristwatch ay may platinum case at water resistant. Sana suot ng aktor ang relos the next time na makita namin siya para makita ang hitsura ng relos na I’m sure, siya lang ang may gano’n sa batch niya.
Samantala, muling pinatunayan ni Richard na siya ang undisputed king of Valentine films sa big success ng When I Met U nila ni KC. Malaking tulong ang word of mouth at naipapasa ng mga nakapanood na sa mga kaibigan at pamilya na maganda ang movie.
* * *
Sa presscon ng Totoy Bato lang nalaman ni Ehra Madrigal na natsismis siyang ililipat ng manager niyang si Annabelle Rama sa ABS-CBN. Saan daw galing ang balita at gaano katotoo dahil kung siya ang masusunod, she’ll stay with GMA 7.
“I want to be loyal with Channel 7 dahil dito ako nakilala. Dapat galingan ko para ’di ako maalis dito, pero may contract pa ako at may show, ’di siguro ako aalisin dito at gusto ko dito lang ako,” diin pa ni Ehra.
Hindi na tuloy lumipat sa Channel 2 si JC de Vera, kaya ’di na rin maliligalig si Ehra na baka ilipat siya. Hindi pa pala siya nagti-taping sa Totoy Bato, pero excited na sa role niyang GRO na maghahabol kay Robin Padilla. Big challenge sa kanya na makasama ito at si Regine Velasquez na kung tawagin niya’y Mister Robin at Miss Regine. (Nitz Miralles)
- Latest