^

PSN Showbiz

Regine ginastusan ni Ogie noong Valentine's day

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Suot ni Regine Velasquez sa presscon ng Totoy Bato ang heart-shaped diamond-studded necklace na isa sa mga regalo sa kanya ni Ogie Alcasid noong Valentine’s Day. Bukod sa expensive necklace, pinag-spa siya nito, nanood sila ng concert ni Peter Cetera, pinag-shopping siya sa Makati at kinagabihan, may dinner sila sa bahay nila na si Judy Ann Santos ang nagluto at si Ryan Agoncillo ang kumuha ng litrato.

Sa iba lang daw kuripot ang boyfriend dahil super galante si Ogie at ’di nagreklamo sa ka-cheap-an niyang Valentine gift na ’di na dinetalye. Pagmamahal din sa kanya kaya sinulat ni Ogie ang theme song ng Totoy Bato na Ako’y Sa ’Yo na libreng kinanta ni Regine.

Singer ang role ni Regine sa boxing series ng GMA 7 na isa pang obra ni Carlo J. Caparas, pero kung bibigyan ng boxing scene, kaya rin nito’t nag-boxing siya for three months sa Fight Club, kaya lumiit ang kanyang braso. Nag-stop lang siya dahil sa taping.

Hindi ba siya nataranta sa abs ni Robin?

“Nakita ko na ang abs niya dati pa, kaya ’di ako masyadong nagulat. Masa-shock ako kung lumaki ang tiyan niya. Sasabihin ko na rin na hindi pagseselosan ni Ogie ang kissing scene namin ni Robin dahil he’s very secure and he knows his place, kaya ’di ako worried,” sagot ng Songbird.

Sa February 23 na ang pilot ng Totoy Bato sa direction nina Don Michael Perez at Mac Alejandre. Ang sabi ni Regine, mala-pelikula ang series na tatakbo ng 20 weeks.

* * *

Tama pala ang sinabi ni Pops Fernandez na wala silang date ni Jomari Yllana last Valentine’s Day dahil pareho silang may trabaho at magkalayo pa. Ang una’y nagti-taping ng I Luv Betty La Fea, samantalang ang huli’y nagti-taping ng Zorro.

Yes, kasama sa cast ng Zorro si Jomari at gagampanan ang role ni Anthony Hopkins sa pelikula. Masaya ang aktor dahil maganda ang role niya sa kanyang balik-GMA 7 project dahil matagal na siyang walang show sa Kapuso network.

Sa Bagac, Ilocos (’di kami sure kung sa Norte ito o sa Sur) nag-taping si Jomari simula February 13 at Linggo na yata nakabalik ng Manila. Puwede pa naman silang mag-celebrate ng Valentine’s Day ni Pops kahit belated na.

Matatandaang ang GMA Network ang kinuhang media partner ni Jomari at ng Fearless Promotions para sa Missing You concert nina Pops at Martin Nievera at sa Channel 7 din mapapanood ang TV coverage ng concert.

* * *

Under renovation ang Kafe Baristo nina Romnick Sarmenta at Harlene Bautista sa may Kamuning, Quezon City at sabi ng aktor dahil ’yon sa practicing Catholic sila at inalis nila ang alcohol sa sini-serve nila. Ginawa na rin nilang restaurant ang lugar at hindi na bar.

Hindi apektado ang career ni Romnick sa pagiging member nila ng Elim Catholic Community, pero bago tumanggap ng offer, nagko-consult muna siya sa Bible at ’pag sinabing “go”, tsaka niya tinatanggap ang offer. Ayaw niyang gumawa ng kissing scene at love scene dahil nanonood ang kanyang mga anak ng kanyang mga shows at ayaw niyang maging bad example, kaya masaya siya sa Luna Mystika dahil pambata ang fantaserye.

Sixth months pregnant si Harlene sa baby girl at fourth child nilang papangalanang Nirel Kanitha. Galing sa baby book ang pangalan gaya ng mga names ng mga older children nilang sina Abijah Gabriel, Zeke Silestine at Bohdana Yoome. Ang galing nilang pumili ng name, ’no!

ABIJAH GABRIEL

ANTHONY HOPKINS

BOHDANA YOOME

CARLO J

DAHIL

DON MICHAEL PEREZ

JOMARI

OGIE

TOTOY BATO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with