^

PSN Showbiz

'Di pinirmahan ni Yilmaz passport ng 2 anak ni Ruffa nagkaproblema

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

Parang nagiging ordinaryo na lang kay Ms. Dina Bonnevie ang pagdi-demanda. Kelan lang ay narinig ko siyang magdi-demanda sa mga nagsulat na may sakit daw siya. Ngayon naman daw gusto nitong idemanda ang mga nag-squel na nagwala siya sa presinto kamakailan para ipagtanggol ang kanyang kaibigang Syrian na ‘nakabangga’ ng GRO sa isang club sa Makati.

Kaya humanda na raw ang mga nagkalat ng kuwento na noong una ay ayaw din actually na pangalanan ng mga pulis na siya ang award winning actress na nagwala umano sa presinto.

Anyway, wait na lang natin ang development dito.

* * *

Talagang solid ang followers ng Eraserheads. Imagine, kahit hindi natapos ang reunion concert nila dahil nag-collapsed ang bokalista nilang si Ely Buendia, aba no. 1 pa rin sa video charts ng Music One ang kanilang DVD ng nasabing reunion concert.

Isa pang nakita kong kasama sa top 5 ay ang video ng A Very Special Love nina Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz na hanggang ngayon pala ay hataw ang bumibili samantalang next week ay showing na ang sequel nito, ang You Changed My Life .

* * *

Ay hindi naman pala boyfriend ni Ruffa Gutierrez ang nakaakbay sa kanyang lalaki sa photo na nag-circulate sa internet. Hindi nga niya sure kung straight o bading ba ito dahil kasamahan pala ito ni BB Gandanghari na ngayon ay isang certified Binibini (BB) na nagkataong nagpakuha lang ng photo dahil sa kanyang mga kasama.

Naaliw nga raw si Ruffa dahil ang tanging nasabi lang niya sa lalaking nakaakbay sa kanya sa nasabing photo ay ‘what do you do.’

Kuwento ng aktres sa The Buzz kahapon, kasama raw niya that time ang stylist na si Monet Lu at ang kasamahan sa trabahong si Jun Lalin nang lumapit ang nasabing guy pero iba na ang naging kuwento.

Ang objective raw talaga ng trip niya sa Amerika ay para ayusin ang passport ng dalawa niyang anak na sina Venice at Lorin dahil ayaw daw pumirma ng dati niyang asawang si Yilmaz Bektas eh expired na ang passport ng dalawa. Naging ok naman daw ang trip niya dahil nabigyan ng dual citizenship ang dalawa niyang anak.

A VERY SPECIAL LOVE

DINA BONNEVIE

ELY BUENDIA

JOHN LLOYD CRUZ

JUN LALIN

MONET LU

MUSIC ONE

RUFFA GUTIERREZ

SARAH GERONIMO

YILMAZ BEKTAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with