Katrina tsugi sa ini-endorsong sabon
Bonggang-bongga yung presscon na ibinigay ng Philosophy By Mikaela Advanced Aesthetic Center para ipakilala sa media ang tatlong endorser nito, sina Rufa Mae Quinto, Pops Fernandez at Ruffa Gutierrez.
Owned and operated by Mikaela Bilbao, maraming taon nang nangangalaga ng physical aesthetics at well being ang salon na kung saan madalas magkita-kita at mag-bonding ang maraming celebrities pero, ang tatlo sa pinaka-malapit na friends ni Mikaela ang kinuha niya para mag-endorso ng kanyang center, si Ruffa para sa beauty salon, si Pops para sa slimming services at si Rufa Mae, para sa skin whitening services gamit ang nag-iisang facial procedure sa bansa na siyang ginagamit din ni Madonna.
Hindi naman magkakaroon ng problema si Ruffa kahit endorser din siya ng Belo dahil ang beauty salon lamang ni Mikaela ang ini-endorso niya at ang mga serbisyo na ibinibigay nito ay gaya ng hairblowing, pagpapaganda ng pilikmata, kuko, buhok at iba pa.
* * *
Kung hindi pa may ilang kaibigan na tumawag ng aking pansin tungkol sa isang item about Alfred Vargas na lumabas dito sa aking column, hindi ko pa malalaman na mayroon pala akong nagawang kasalanan o injustice sa kanya.
Humihingi ako ng paumanhin kay Alfred, hindi siya ang gusto kong tukuyin na aktor na kakapanayamin sa Showbiz Central na may itinatagong anak sa publiko. Wala akong maisip na dahilan sa aking pagkakamali but the fact that I was very sleepy when I was doing my column at kapapanood ko pa lamang sa kanya sa When I Met U.
Paumanhin din kina Manay Lolit Solis at ilang writers na nagsabing kuryente ang balita ko. Wala pong balita, maling impormasyon lang, ibang aktor ang nasa isip ko but instead, pangalan ni Alfred ang nailagay ko. Alam ko napaka-iresponsableng bagay ‘yun pero, muli, pasensya po sa anumang sakit ng damdamin na nalikha ko kay Alfred at sa kanyang pagkatao.
* * *
Magtatapos na pala ang kontrata ni Katrina Halili sa Psalmstre na kung saan ay isang taon siyang naging endorser ng Olive-C soap, unang inendorso ni Lovi Poe. Bagaman at maganda ang naging relasyon ng seksing aktres sa Psalmstre na gumagawa rin ng Glutamin at New Placenta, isang lalaki ang kinuha para siyang mag-endorso ng Olive-C, si EJ Falcon, ang kasalukuyang Pinoy Big Brother grand winner. Isang big launching ang inihahanda ng pangulo ng Psalmstre na si Jim Acosta para kay EJ.
* * *
Bago ang pinaka-malaking press launch ng Totoy Bato ngayong linggo, lalabas sina Robin Padilla at Regine Velasquez, mga stars ng pinakabagong serye ng GMA sa Showbiz Central. Meron kayang mapigang lihim sa dalawang artista ang SC?
- Latest