Heart ayaw sa pang-hapon
Magaling na si Angel Locsin at habang naghihintay pa sa proyekto na gagawin sa Dos kasama sina Diether Ocampo at Sam Milby ay abala ito sa shoot ng dalawang komersyal na ni-renew nito, ayon kay Ela Colmenares (nakatatandang kapatid ng aktres) nang aming dalawin sa magara nilang tahanan.
Mabilis namang gumaling si Angel at mabuti na lang at naagapan ang dumapo sa kanyang dengue. Halos araw-araw ay nasa kanyang tabi si Luis Manzano.
Kwento pa ni Ela, sa hatinggabi dumadalaw sa ospital sina Sam Milby at iba pang sikat na artista. Pero si Piolo Pascual kung dumalaw ay hapon pero hindi nakikilala o pinagkakaguluhan dahil mabilis itong lumakad at nakatabing sa mukha ang kanyang sombrero.
* * *
Nagbigay ng thanksgiving merienda cena ang Luna Mystika kung saan nakausap namin ang mga artistang kasama sa fantaserye. Isa na rito ang bidang si Heart Evangelista na talagang nagpapasalamat sa consistent rating ng Luna Mystika. Ayon sa kanya, kakaiba ang istorya nito na nagustuhan at swak sa panlasa ng mga manonood.
Ano ang kasunod niyang proyekto?
“May gagawin sana kami, ‘yung Muling Buksan ang Puso. Kaso hindi tinanggap ng manager ko. Mas gusto ni Tita Annabelle Rama na sa primetime rin ako magkaroon ng soap opera at ’di sa panghapon lang,” anang aktres.
Birthday kahapon ni Heart at ang wish niya ay bigyan pa ng mahabang buhay ang mga magulang.
“Priority ko sila ngayon at hindi ko alam kung ano’ng gagawin ko sakaling mawala sila sa buhay ko. I’m not ready for a new relationship,” paniniyak ng magandang aktres.
* * *
Nakakwentuhan din namin si Mark Anthony Fernandez na kapareha ni Heart sa Luna Mystika. Natutuwa ito dahil sunud-sunod ang kanyang mga proyekto sa GMA 7 at nakalinya na ang All About Eve kung saan si Iza Calzado naman ang kanyang leading lady. Nakakontrata na siya exclusively sa Siete hanggang 2010.
Pangarap ni Mark Anthony na makakuha ng acting award. Naibahagi niya na minsan na siyang nakaranas ng sobrang depression at minsan ay naisip na ayaw na niyang gumising.
“Naging nominado kasi ako sa pelikulang Mangarap Ka with Claudine Barretto. I was the youngest nominee noon, 16 years old lang at akala ko, matatanggap ko ang Best Actor Award pero naibigay ’yon kay Richard Gomez for Dahas.
- Latest