Hindi si Patrick, Jennylyn pinahihirapan ang anak
Surprisingly, maganda at nakaka-excite yung ipinalalabas na trailer ng Paano Ba Ang Mangarap? na starring ang loveteam nina Mark Herras at Jennylyn Marcado. Sabi ng mga nakakapanood ng taping, gumaling na raw sina Mark at Jennylyn, nag-mature na ang acting. Dapat lang naman, marami na silang pinagdaanan na mapaghuhugutan nila ng emosyon.
Ang maganda sa dating magdyowa, naging mabuti silang magkaibigan, palaging nasa tabi lamang ni Jennylyn si Mark kapag kailangan niya. Absent nga lamang ito sa binyag ng anak ni Jen kahit ito pa ang nagprisintang ninong.
Sabi ni Jen, pareho na silang nag-mature ni Mark, hindi lamang sa kanilang pag-arte kundi maging sa kanilang pananaw sa buhay. Physically din, they have undergone great changes, tingnan n’yo si Mark, mamang-mama na, ang laki na ng katawan. At si Jen, bumalik man sa dati ang katawan niya, matapos makapanganak, hindi na maikakaila na nanay na siya, mas lumaki na ang responsibilidad niya. Ang hindi lamang nagbabago ay ang pakikitungo niya sa ama ng kanyang anak.
Hanggang kailan niya maipagkakait kay Patrick (Garcia) ang kanilang anak?
Pero napansin n’yo ba, parang mas gumanda si Jennylyn ngayon pagkatapos niyang manganak. Parang walang nangyari noh.
* * *
Ano, ayaw daw magpatawag ng Ate Ai ni Aiai delas Alas kay Ruffa Gutierrez? Katwiran nito, magka-height lang daw sila. O di ba, napaka-witty? I’m sure magkakasundo sila, which is ideal dahil magkakasama sila sa isang bagong programa ng ABS CBN.
* * *
Unti-unti, nagbo-blossom ang career ni Hero Angeles. Hindi kasi maaaring itago ang isang talento. Mapipigil mo lang ito sandali pero, lalabas at lalabas din. Matagal ding namahinga si Hero sa pag-arte. Pero hindi siya nawalan ng trabaho.
Kasabay ng kanyang pag-aaral sa UP ay nagawa nitong makapagprodyus ng isang 10 minute docu sana pero naging isang 85 minute indie film. Ito ang Stockroom na siya rin ang nagdirek at naging artista. Isinali niya ito sa Cinemalaya at sa ilang filmfest sa Europe.
Hindi pa niya natatapos ang kursong visual communications dahil bigla ngang dumating ang mga projects ng GMA 7.
Kasama si Hero sa Paano Ba Ang Mangarap? at natutuwa ako para sa kanya dahil unti-unti nang nagkakaroon ng kaganapan ang kanyang pag-aartista na muntik mabulilyaso.
- Latest