^

PSN Showbiz

GROs gaganti: Show at commercials ni Dina ibo-boycott; Parehong walang pakialam kay Patrick: Jennylyn at Glaiza nag-tsikahan

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Maagap ang mga bossing ng feminine wash na ini-endorso ni Judy Ann Santos. Kita n’yo naman, wedding gown ang suot ni Judy Ann sa kanyang bagong TV commercial at ito ang kumpirmasyon na malapit na talaga ang wedding date nila ni Ryan Agoncillo.

Ang pagpapakasal nina Juday at Ryan ang isa sa mga big showbiz events sa 2009 na inaabangan ng mga tao.

Nasubaybayan nila ang paglaki ni Juday, mula sa pagiging child star hanggang magdalaga at maging award-winning actress, kaya gusto rin ng publiko na masaksihan ang kanyang pag-aasawa.

* * *

Hindi na galit si Jennylyn Mercado kay Patrick Garcia pero ayaw pa niya na dalawin ng kanyang ex-boyfriend ang kanilang anak.

Ang sey ni Jennylyn, hindi pa siya komportable na makita si Patrick, itsurang nag-let go na siya. Nag-let go daw o!

Nagkita kahapon sa studio ng Startalk sina Jennylyn at Glaiza de Castro. Disappointed ang mga baklita dahil hindi nag-isnaban ang dalawa. Binati nila ang isa’t isa at nagkuwentuhan pa sila.

Nagkaroon ng isyu tungkol kina Jennylyn at Glaiza dahil ito ang ka-date ni Patrick sa concert nina Rihanna at Chris Brown. Sumusumpa si Glaiza na friends lamang sila ni Patrick kaya walang dapat ikagalit si Jennylyn.

* * *

Maraming salamat kina DILG Secretary Ronaldo Puno at Undersecretary Bryan Yamsuan.

Sina Papa Ronnie at Papa Bryan ang mga nag-welcome sa mga artista ng GMA Artist Center na sumailalim sa drug test noong Huwebes.

Negative ang resulta ng mga drug tests kaya mahihinto na ang mga paghihinala sa mga young star ng Kapuso network.

Malakas ang loob ng mga artista ng GMA 7 na magpa-drug test dahil alam nila na drug-free sila. Kusang-loob ang ginawa nila para maging good example sila ng mga kabataan. Knows ng mga bagets na may responsibilidad sila bilang mga role model ng mga humahanga sa kanila.

* * *

Hindi ako lalabas ng bahay ngayon dahil araw ng Linggo. Panonoorin ko ang season finale ng You & Me Against the World dahil gusto kong makita ang paghaharap nina Gretchen Barretto at BB Gandanghari.

Sure ako na hindi papayag si BB na masapawan siya ni Gretchen at lalong hindi ito magpapatalbog sa kagandahan ng ‘girl’ na pumatay kay Rustom Padilla.

Eh pabolosa si Greta sa pagbibigay ng regalo sa kanyang mga celebrity guests. Knowing her, bibigyan niya ng bonggang damit o mamahaling bag si BB, tulad ng LV bag at Marc Jacob dress na natanggap ni AiAi delas Alas mula sa kanya.

Season finale na ng You & Me Against the World. Magastos ang show ni Greta dahil isang milyong piso ang ipinamimigay niya linggu-linggo. Magkaroon pa kaya ng Season 2 ang show?

* * *

Nagtatampo kay Dina Bonnevie ang mga GROs (guest relation officers) dahil sa panglalait na ginawa niya sa isang GRO na binastos ng kanyang business partner na Syrian national.

Hurt ang mga GROs sa sinabi ni Dina na bago maghain ng kaso ang GRO, tingnan muna nito ang uri ng kanyang trabaho. Parang hindi raw naranasan ni Dina na gumanap na GRO sa kanyang past movies.

Hindi lamang ang mga GROs ang nasaktan sa panghuhusga na ginawa ni Dina. Hurt din ang mga kababayan natin na nainsulto sa kanyang naging aksyon. Nabawasan ang mga tagahanga ni Dina. Nagbanta sila na iboboykot ang mga TV shows at product endorsements ni Dina.

vuukle comment

BRYAN YAMSUAN

CHRIS BROWN

DINA

GLAIZA

JENNYLYN

KANYANG

ME AGAINST THE WORLD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with