^

PSN Showbiz

Martin-Pops concert 'di pwedeng ulitin

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Napanood ko ang premiere showing ng When I Met U at talaga namang nanghihinayang ako kung yun na ang magiging huling pagsasama nina Richard Gutierrez at KC Concepcion. Ang ganda nila sa screen, marami silang nakakakilig na eksena pero pinakamaganda na yung ending. Bagay na pang-Valentine ang pelikula, romantiko, hindi masyadong pag-iisipin ang mga manonood dahil simpleng love story lang.

Pagkatapos ng pagpapalabas nito ay babalik na ang dalawa sa kani-kanilang magkahiwalay na trabaho. Si KC ay may gagawing serye with Piolo Pascual at si Richard naman, sasabak na sa trabaho sa Zorro. Sino kaya ang magiging kapareha niya, ang lalabas na Elena?

* * *

Sinuswerte naman ang mga manonood ng sine. Pagkatapos ng When I Met U ay isa pa ring magandang love story ang nakatakdang ipalabas. Ito yung pag­tatambalang muli ni John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo. Excited at curious ang mga sekretarya ko na malaman kung pumayag na si Sarah na magpahalik sa pelikula. Mag-boyfriend na kasi sila ni John Lloyd sa sequel kaya imposible naman silang mawalan ng sweet moments. O maghahawakan na lang ba sila ng kamay sa pelikula?

* * *

Nagbalik-pelikula na pala si Toffee Calma. Pumasyal ito sa aking radio program para i-promote ang comeback movie niyang Showboyz. Pumayag na raw siyang magsuot ng damit-babae sa movie. Isang transgender ang role niya, silang dalawa ng movie writer na si Archie Calma. Kasama rin sa movie sina Kristofer King at Topher Barretto.

* * *

Aba, malaki na ang pag-asa ng mga may edad na mapanatili ang kagan­dahan ng kanilang balat at hindi magmukhang matanda.

Isang grupo ng mga doktor na ang espesyalidad ay anti-aging ang mag­daraos ng dalawang araw na seminar para ipabatid sa publiko na ma­rami nang paraan para mas matagal na mapanatili ang kabataan. Kahit matanda na, pwede pa ring mag-enjoy sa buhay! Pwedeng mag-mukhang bata, hindi lamang sa pamamagitan ng paggamit ng cosmetics o pagpapaopera.

Pinamagatang Current Trends on Aging Skin at inorganisa ng Philippine Academy of Anti-Ageing Medicine, Inc. magaganap ito sa Pebrero 23-24 sa Manila Hotel. Dadalo si Melanie Marquez, endorser ng New Placenta, at ginagawa ng Psalmstre, isa sa mga sponsor ng seminar, sa nasabing okasyon.

Naghanda ng isang maikling programa sa pagsisimula ng seminar si Jim Acosta, may-ari ng Psalmstre at isa rin sa sumusuporta sa Walang Tulugan. Isang mini-fashion show na magtatampok sa disenyo ni Mon Favila ang mapapanood, gayundin ang pagkanta ni Glaiza May Micua, artist ng Creworks Asia.

* * *

Ang ganda-ganda ng Missing You concert nina Pops Fernandez at Martin Nievera. Nakapanghihinayang lamang na hindi ito pwedeng magkaro’n ng repeat dahil lahat ng kaganapan doon ay spontaneous, hindi scripted. Sa kabila ng pagkahilig ng mga anak ng Concert King and Queen sa musika, gusto ng mga magulang nina Ram at Robin na naging bahagi rin ng concert, na tapusin muna nila ang kanilang pag-aaral. Oo nga naman, makapaghihintay ang showbiz pero ang pag-aaral ay sasawaan nila kapag artista na sila.

* * *

Ngayong gabi ang kauna-unahang appearance ni Toni Gonzaga sa Maalaala Mo Kaya (MMK). Dito masusubok kung my acting siya o wala bagama’t matagal-tagal na ring inaasam ng young actress-singer-host na makapag-guest sa award-winning program pero ngayon lamang siya nagkapanahon. Mapapalaban pa siya sa dalawang aktor na marami nang napatunayan pagdating sa pag-arte—Jason Abalos at Ryan Eigenmann. Kaya kabado si Toni.

AGING SKIN

ARCHIE CALMA

CONCERT KING AND QUEEN

CREWORKS ASIA

GLAIZA MAY MICUA

ISANG

JASON ABALOS

WHEN I MET U

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with