^

PSN Showbiz

Asawa ni Sen. Chiz bibirit!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Talbog ang nakakakillig na eksena sa pelikula sa unang pagkikita nina Sen. Chiz Escudero at ng maganda niyang misis na si Christine Elizabeth Flores.

Nagkakilala ang dalawa noong panahon na regular singer si Mama Christine sa hotel lounge na tambayan ng mga bagets lawyers.

One time, ipinagmalaki ni Papa Chiz sa kanyang mga kasamang bagets na abogado na kilala siya ni Mama Christine at kakantahin nito ang kanyang pabo­ritong kanta. “So I wrote a song request and discreetly put my name there as Atty. Escudero. Eh malabo yata ang mata niya, she read it as a song for Atty. Cor­dero,” ang sey ni Papa Chiz. Buking tuloy siya ng kan­yang mga kaibigan na hindi siya knows ng magandang singer.

Lalong naaliw si Papa Chiz kay Christine hang­gang pormal na silang nagkakilala at lumalabas-labas.

Pero dahil hindi pa alam ng magulang ni Christine ang kanilang mga date, isinasama siya ng abogado sa kanyang mga hearing sa probinsiya.

“To avoid being seen together in the city, I would take her to my provincial hearings (Chiz was a litigation lawyer that time) like in Pampanga and Bulacan. A day in court and a lunch or snack somewhere along the road would constitute our ‘date,’” sabi ng abogadong senador.

Hindi nagtagal ang kanilang pagtatago dahil nag­sabi agad sila sa kanilang mga magulang kaya maka­lipas ang ilang buwan, nag-isip na agad ang senador kung paano sasabihin na gusto na niyang pakasalan si Mama Christine.

Para maging kakaiba, first time sa kanyang buhay na kumanta nang mag-propose siya. “She had her regular singing stint in Sulu Hotel and I invited my family and her family to a dinner there that night. While she was onstage preparing for a new song, I came up singing my song, Beautiful In My Eyes. Buti na lang she accepted my proposal, hindi nasayang ang kahihiyan sa pagkanta ko,” kwento ni Sen. Chiz.

Ngayon, ’pag naaalala nila kung saan nag-umpisa ang kanilang pagmamahalan, napapa-smile ang mag-dyowa.

Kambal ang anak nina Papa Chiz at Mama Chris­tine, sina Chesi at Qui­no. “Mas naging masa­ya ang bu­hay namin nang dumating ang kambal,” sabi ni Mama Christine na hindi tina­talikuran ang pag­kanta hanggang nga­yon.

Sa katunayan, may concert si Mama Chris­tine sa February 20, sa Teatrino, Green­hills. Makakasama niya ang kanyang mga kaibigan na sina Odette Garcia, Marisse Santos, at Bimbo Cerrudo. A Song for You ang title ng concert. Si Bibeth Orteza ang director, at inaasahan na manonood ang mga friends nina Papa Chiz at Mama Christine.

* * *

Hindi ako nagbibiro nang sabihin ko sa presscon ni Congresswoman Annie Susano na maba­ba­wasan ang komisyon ko kay Alfred Vargas dahil ka­kan­didato ito na konsehal sa darating na eleksyon.

Bawal umapir sa TV at pelikula ang mga kan­di­datong artista kaya wala akong komisyon na mata­tanggap mula kay Alfred.

May katagalan pa ang eleksyon pero may plata­por­ma na si Alfred para sa mga residente ng distrito ng QC. Economics graduate si Alfred sa Ateneo University kaya malawak ang kaalaman niya tungkol sa economy.

Last term na ni Mayor Sonny Belmonte sa Quezon City kaya hindi na siya puwedeng tumakbo bilang mayor. Mami-miss si Papa Sonny ng mga naninirahan sa Quezon City dahil napaunlad niya nang husto ang City of Stars. Baka hindi ninyo alam na richest city sa Pilipinas ang Quezon City, huh!

* * *

May grand reunion ang Batch ’68 ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) mula February 25 hanggang March 3, 2009.

Apat na Dekada, Walang Kakupas-kupas ang theme ng grand reunion na magbubuklod sa 42 batches ng PLM graduates, kabilang ang mga naninirahan sa Amerika, Australia, Canada, Europe, Middle East, South Asia at ibang panig ng mundo.

Si Richard Prado ang head ng steering committee ng week-long affair. May golf tournament sa February 25; parada, review, at coffee hour sa PLM president; at symposium sa February 27. Meron din silang medical at community outreach program sa February 28 na susundan ng dinner dance sa Manila Hotel. Ongoing ang registration sa website ng PLM, ang www.plmaaintramuros.org or tawagan ninyo si Jojo Velasco sa 0921-8582911.

A SONG

CHIZ

CHRISTINE

MAMA CHRIS

MAMA CHRISTINE

PAPA CHIZ

QUEZON CITY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with