^

PSN Showbiz

Mga pelikula ni Sharon, mabenta sa GMA 7

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Umalis kaagad ako kahapon sa presscon ng Paano Ba ang Mangarap dahil nalito ako sa dami ng mga tao.

Eh ang laki-laki ng venue ng presscon. Halos hindi ko na marinig ang mga sinasabi ng mga artista dahil nage- echo ang kanilang mga boses.

In fairness to me, ako ang pinakamaagang du­­ma­ting sa presscon. Alas-dose ang imbi­tasyon pero 11 a.m. pa lang, nandoon na ako.

Nauna pa akong dumating kina Mark Herras at Jennylyn Mercado. Na-sight ko agad si Hero Angeles na parang makapal yata ang make-up.

Masuwerte si Hero dahil nabigyan ng second chance ang kanyang career. Malaki ang dapat niyang ipagpa­salamat sa kanyang manager na si German Moreno.

Negang-nega noon ang image ni Hero dahil sa isyu na pasaway siya at ang kanyang kapatid. Mabuti na lang, nakilala niya si Kuya Germs na nagpursigi na maibalik siya sa showbiz. Siguro naman, hindi sisirain ni Hero ang trust sa kanya ni Kuya Germs or else...

* * *

Balik-tambalan nina Mark at Jennylyn ang Paano Ba ang Mangarap. Kahit may anak na si Jennylyn, suportado pa rin ng mga fans ang kanilang loveteam.

Inaabangan na nga ng mga fans ang pagsisimula sa Lunes ng Paano Ba ang Mangarap. Kung mataas ang rating ng show, tanggap na tanggap pa rin ng fans ang loveteam nina Mark at Jennylyn.

Umaasa ang mga tagahanga na magkakabalikan pa ang kanilang mga idolo itsurang parang sirang pla­ka si Mark sa pagsasabi na hanggang best of friends na lang ang relasyon nila ng kanyang ex-girlfriend.

Hindi pinalitan ng GMA 7 ang theme song ng Pa­ano Ba ang Mangarap. Ito pa rin ang theme song pero si Jennylyn at hindi na si Basil Valdez ang singer.

‘Yun lang!

* * *

Maraming naka-line up na projects ang GMA 7. Mga TV remakes ng mga pelikula na pinilahan noon sa takilya. Nandiyan ang Pacifica Falayfay, Machete, Ang Pinakamagandang Hayop sa Balat ng Lupa, Dapat Ka Bang Mahalin at marami pang iba.

Pinag-uusapan kahapon sa presscon ng Paano Ba ang Mangarap na dapat magkaroon ng TV remake ang Bilangin ang Bituin sa Langit at Till We Meet Again nina Nora Aunor at Tirso Cruz III.

Pang-TV ang mga nasabing pelikula nina Nora at Tirso dahil nag-umpisa ang kuwento noong mga bagets pa sila hanggang tumanda.

Napuna kasi ng mga reporters na puro mga pelikula ni Sharon Cuneta ang isinasalin sa TV. Gan­yan kasikat at kabenta sa takilya ang mga pelikula noon ni Sharon.

Ewan ko lang kung happy siya kapag nag­­kaka­roon ng TV remake ang kanyang mga pelikula na itinu­turing na ngayong mga classic.

* * *

Asking ang fan nina Christopher de Leon at Sandy Andolong kung kailan nila mapapanood na mag­kasama sa isang TV show ang mag-asawa.

Hindi pa mangyayari sa immediate future ang pag­sa­sama nina Boyet at Sandy dahil may project si Boyet sa ABS-CBN at kasama naman si Sandy sa cast ng Zorro na pagbibidahan ni Richard Gutierrez.

Tinanggap ko para kay Sandy ang Zorro dahil maganda ang role. Type na type ni Sandy ang role niya sa Zorro.

* * *

Showing ngayon sa mga sinehan ang When I Met U nina KC Concepcion at Richard Gutierrez.

Ang GMA Films at si Mother Lily Monteverde ang mga produ ng pelikula. Gusto ko na mag-hit sa box-office ang When I Met U para lalong ganahan ang GMA Films at si Mother Lily sa paggawa ng pelikula.

Iilan na lamang ang nagpo-produce ng mga matitinong pelikula kaya dapat natin silang su­por­tahan. Kung wala sila, baka tuluyan nang na-dead ang movie industry. Magpasalamat tayo dahil guma­gawa pa rin ng mga pelikula ang GMA Films, Regal Films, Viva Films at Star Cinema.

vuukle comment

DAHIL

JENNYLYN

KUYA GERMS

MANGARAP

PAANO BA

PELIKULA

RICHARD GUTIERREZ

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with