^

PSN Showbiz

Luha at eskandalo sa Grammy Awards

-

Nakatanggap ng maraming karangalan sa Grammy Awards Night nitong Linggo sa USA ang dating Led Zeppelin member na si Robert Plant at ang blue grass queen na si Alison Krauss.

Limang award ang kanilang nakuha dahil sa kanilang Raising Sand, pati na ang record at album of the year.

Pero natakpan ang kanilang tagumpay nang bago sinimulan ang show, inihayag ng pulisya na iniimbestigahan nito si Chris Brown na isa ring nominee at takda sanang kumanta sa awards night.

Iniimbestigahan si Brown dahil sa umano’y pananakit niya sa isang hindi pa nakilalang babae kamakalawa ng gabi.

Sumuko si Brown sa pulisya at sandali siyang pinigilan sa presinto bago pinayagang makapagpiyansa ng $50,000 para makalaya siya pansamantala.

Sa awards night, naging tampok ang kakaibang istilo ni Krauss sa Raising Sand at nagpakita sa husay nila ng rocker na si Plant sa sining. 

Noong nakaraang taon, nanalo rin sa Grammy sina Plant at Krauss para sa kanilang Gone Gone Gone (Done Moved On) na hango rin sa Raising Sand. Kaya anim na award na ngayon ang nakukuha ng kanilang album.

Naging maemosyonal din ang gabi ng parangal nang magsalita bago kumanta sa entablado si Jennifer Hudson na tumanggap din ng una niyang Grammy for best R&B album.

Wala namang binabanggit si Hudson hinggil sa pagkakapaslang sa kanyang ina, kapatid at pamangkin noong nakaraang taon pero pigil ang luha na kanyang binanggit na pangunahing nasa isip niya ang kanyang pamilya.

Tatlo naman ang sa Coldplay kasama ang Song of the Year para sa Viva La Vida.

Best New Artist naman ang British singer na si Adele na tumalo sa Jonas Brothers, Lady Antebellum, Jasmine Sullivan, at Duffy. Nauna siyang nanalo ng best female pop vocal.

ALISON KRAUSS

BEST NEW ARTIST

CHRIS BROWN

DONE MOVED ON

GONE GONE GONE

GRAMMY AWARDS NIGHT

JASMINE SULLIVAN

JENNIFER HUDSON

JONAS BROTHERS

RAISING SAND

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with