BB ginagamit ng ex-bold actor para pag-usapan
Nag-uumpisa nang magparamdam sa entertainment press ang mga pulitiko na kakandidato sa 2010.
Alam kasi ng mga pulitiko na very effective ang column ng entertainment press. Binabasa ng madlang-people ang entertainment section. Hindi nila nami-miss na basahin ang entertainment page dahil normal sa mga Pilipino ang pagkahilig sa showbiz news.
Mapa-broadsheet man o tabloid, read ng lahat ang entertainment section. Magugulat pa kayo kung malalaman ninyo na mas updated pa sa showbiz news ang mga sosyalera.
Knows nila ang mga tsismis sa mga artista at kadalasan, first-hand info ang nalalaman nila.
Kaya sa nalalapit na eleksyon, mag-expect tayo na in demand ang entertainment press sa mga pulitiko na nangangarap maglingkod sa bayan. Nangangarap daw o!
* * *
Aligaga ang ex-bold actor na si Toffee Calma sa pag-iimbita sa TV crew ng mga showbiz-oriented talk show.
Nag-iimbita siya sa premiere night ng Showboyz sa February 11. Comeback movie niya ang Showboyz kaya tumutulong siya sa promo at publicity.
The who si Toffee Calma? Siya ang ex-boyfriend ni Regine Tolentino at dating nagmo-model. Nagtrabaho rin siya bilang researcher sa show ni Korina Sanchez.
Napapansin si Toffee dahil sa pang-ookray niya kay BB Gandanghari. Mas maganda at bata raw siya.
If I know, may pagka-use me in a sentence itong si Toffee dahil ginagamit niya si BB para mapag-usapan siya.
Natatandaan ko ang isyu noon tungkol kay Toffee. Kinalkal ng Startalk ang isyu tungkol sa pagnanakaw sa kanya ng isang kasambahay. Ibinulgar ng kasambahay na may boyfriend si Toffee na noon pa pinagdududahan ang kasarian.
Nauungkat ang gay issue dahil baklita ang role ni Toffee sa Showboyz. Girl na girl ang kanyang itsura. Siya talaga ang puwedeng itapat kay BB.
* * *
Made na made na si BB dahil basta siya ang topic, nakikinig ang mga mahihilig sa tsismis. Binabasa rin ang mga balita tungkol sa kanya.
Si Melanie Marquez ang latest celebrity na nagkomento tungkol kay BB. Ayaw tanggapin ni Melanie na dead na si Rustom dahil nag-rejuvenate lamang daw ito. Nag-rejuvenate ‘ha, hindi nag-repackage o nag-reinvent ng sarili.
Nag-dialogue noon si BB na idol niya si Melanie kaya hiningi ang opinyon nito tungkol sa pag-aastang babae ni Rustom Padilla.
Sa palagay n’yo ba, magpapaapekto pa si BB sa mga panglalait sa kanya eh naging matapang nga siya sa paglabas mula sa closet ‘noh!
Knowing BB, tuwang-tuwa pa ito dahil nagtagumpay siya na ma-getsing ang atensyon ng mga Pilipino at, sa mga nang-ookray sa kanya, inggit lang kayo dahil nagawa ni BB ang hindi ninyo makaya na gawin!
* * *
May special announcement ako tungkol kay Mark Herras pero saka ko na sasabihin sa inyo.
Importante ang aking special announcement para matigil na ang mga pang-iintriga kay Mark. Abangan n’yo na lang sa linggong ito. ‘Yun lang!
* * *
Congrats kina Janine Piad-Nacar at sa kanyang mister na si Obet. Baby girl ang isinilang ni Janine sa Cardinal Santos Hospital noong Sabado.
Si Janine ang bossing namin sa Startalk kaya certified Startalk baby ang anak nila ni Obet. Inaanak ko sila sa kasal. Congrats uli!
- Latest