^

PSN Showbiz

Nanay ni Lovi payag nang manugang si Jolo

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Wala pang exact date pero nakikita ko na ang katuparan ng relasyon nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo, na sa altar magwawakas ang pagiging magnobyo nila at tatahak na sila ng landas ng pagiging mag-asawa.

Hindi nakapagtataka kung unahin man nila ang paghahanda ng kanilang magiging tahanan. Sa kanilang estado, kailangan nga naman nilang may mauwian after the wedding. Dapat magsimula silang dalawa lamang, kung makakaya rin lamang, they should have a place of their own. It’s unwise na makisuno sa kani-kanilang mga magulang. Sa puntong ito, sumasaludo ako sa kanila.

Sa kanilang bagong estado, tiyak maba­bawasan na ng assignment si Juday. Ganito naman sa ’Pinas, nali-limit ang movies ng isang babaeng may asawa. Pero, hindi ang lalaki. Dito lamang si Ryan. But with Juday’s culinary skills naman, she can start a business, at baka sa negosyo maubos na ang kanyang panahon.

Whatever happens, good luck sa dalawa. Maging smooth sana ang landas na tatahakin n’yo bilang mag-asawa.

* * *

Mukhang nauuso ang reunion ng mga singers. Matapos ang matagumpay na pagsasama nina Pilita Corrales, Carmen Pateña at Carmen Soriano na bago dumayo ng Amerika ay nagpasaya muna ng kanilang mga kababayan sa pamamagitan ng ilang mga concerts, sina Jun Polistico, Anthony Castelo at Victor Wood naman ang sasabak sa ilang mga palabas na naglalayong sariwain sa isip ng mga tao ang kagalingan ng tatlong mga kinilalang hari ng jukebox noong kanilang kapanahunan.

Sana tulad din ng naging tagumpay ng pagsasama-sama nina Rico J. Puno, Hadji Alejandro, Nonoy Zuñiga, Rey Valera at Marco Sison ay maging matagumpay din ang pagsasama sa isang concert ng tatlong balikbayan.

* * *

Aba, may blessing na pala ng mom ni Lovi Poe ang relasyon nito kay Jolo Revilla. May record kasi nga naman si Jolo na isang binatang ama. Siyempre afraid ang madir ni Lovi na ganoon din ang kahihinatnan ng anak.

Pero nang makapag-isip-isip ito at matapos ma­kausap ang anak at makita niya na magagandang values ang naituro niya rito, nabalik ang tiwala niya at binigyan na ito ng blessing. Nadadalaw na ni Jolo sa bahay si Lovi.

* * *

Ka-swerte naman ni Rayver Cruz dahil kinikilig si Sarah Geronimo sa kanya. Ang maganda sa dalawang ito ay pareho silang mababait na anak. At parehong focused sa kanilang career. Ang kailangan lamang nila ngayon ay ang friendship ng isa’t isa to inspire them na magtagumpay pa ng lalo sa kanilang mga career.

vuukle comment

ANTHONY CASTELO

CARMEN PATE

CARMEN SORIANO

HADJI ALEJANDRO

JOLO

JOLO REVILLA

JUDAY

JUDY ANN SANTOS

KANILANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with