^

PSN Showbiz

Gary V. ready nang maging lolo

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

Ready na palang maging lola at lolo ang mag-asawang Gary Valenciano at Angeli Pangilinan. In fact, itinutulak na nga nilang mag-asawa ang panganay nilang si Paolo na ngayon ay 24 years old na. Ka-on ni Paolo ang pamangkin ni Martin Nievera na si Samantha Godinez na involve sa fashion design and stylist for commercials.

Pero ang plano naman ni Paolo, after two years saka pa lang sila magpapa­kasal. Semi-engaged ang description niya sa set up nila ng kanyang gf ng three years.

Bukod sa kanyang parents, eager na rin ang mga kaibigan niyang pag-asawahin siya na hindi niya alam kung bakit. “Most of my friends kasi nagpapakasal early and sa Christian most of them, nag-aasawa rin talaga ng maaga,” kuwento ni Paolo na may sariling rock band, Salamin.

Definitely, mas mauuna siyang mag-asawa sa kapatid niyang si Gab na boyfriend ngayon ng singer ding si Rachelle Ann Go. Pero oras naman daw na mag-asawa na siya, ayaw muna nilang magkaanak ni Samantha.

At nang tanungin siya tungkol kay Rachelle Ann kung pabor siya sa bagong gf ng kapatid, ang kuwento ni Paolo, meron siyang limang buwang palugit para maging ok sila ni Rachelle Ann at alam naman daw ito ng mas bata niyang kapatid. Pero gulat ang panganay na anak ni Gary V. na naimpluwensiyahan nito (Rachelle Ann) ang kapatid niya. Noon daw kasi, hindi madalas mag-aattend ng mga family gatherings ang kapatid niya, pero lately, napapansin niyang parati na itong present.

Binuking din ng nanay niyang si Angeli na reluctant star ang anak niya. Noong-noon pa ay may offer na sa kanya si Ms. Malou Santos, pero lahat tinanggihan ni Paolo.

“Siya ang original loveteam sana ni Heart Evangelista. Tanging Ina days pa noon. Pero ayaw niya talaga. Sa Lobo, inoperan din siya, pero tumanggi rin siya,” pagbu­buking ng ina.

Nga pala, isang taon na ang nakalipas nang maaksidente sa C-5 si Paolo. Nakabangga siya ng isang truck na ang may-ari ay isang maliit na negosyante.

Isang buwan siyang na-trauma at hindi dumadaan sa C-5. Pero ngayon, balik na uli siya sa pagmamaneho. Pero ang nakakagulat, mabagal pala siyang mag-drive at kahit daw ang pamilya niya ay nagulat sa nasabing aksidente.

Nagkaroon ng damage ang nabangga niyang sasakyan. Kaya binilhan niya ito ng second hand FX na gagamiting pag-hanapbuhay at binayaran niya ang halaga na kinikita ng biktima noong panahong hindi ito nakakapag-trabaho.

Sariling pera niya ang ibinayad.

Ay actually, hindi ‘yun solo presscon ni Paolo ang nangyari kahapon kundi para sa Gary V. Live@25 - The Repeat na gaganapin sa February 20 sa Araneta Coli­seum.

Dalawa ang kakantahin niya sa nasabing concert - yung isa duet sa kanyang ama at solo spot.

Rock song ang forte ni Paolo pero ini-emphasize niya na hindi siya rakista dahil hindi siya nagdo-droga. “Most of them kasi nagda-drugs,” sabi niya.

Naku sure ako na magri-react ang mga rakista sa sinabi ni Paolo.

* * *

Sobrang mahal pala ang sinisingil sa copy rights ng Moonriver sa ABS-CBN kaya hindi na ito itinuloy. At kung gagamitin pa ang kanta, mas mamahal ang babayaran. Kaya nag-desisyon na ang Kapamilya network na ‘wag na itong ituloy at palitan na lang ng Dulce Amor na unang ginawang pelikula ni Lorna Tolentino noon. Four hundred thousand daw kasi ang sinisingil for Moonriver.

Ang Moonriver ang second title ng sariling soap ni Maja Salvador sa ABS-CBN pero hindi nga natuloy. First choice ang Annalisa. Pero nega agad daw sa fans kaya binago.

Pero ang ending, Dulce Amor.

Same pa rin daw naman ang story, except sa binago ang title.

Naiinip-inip na ang mga fans ni Maja dahil ang tagal na nilang naghihintay sa young actress na bagong en­dorser ng Sisters sanitary napkin.

Pang-siyam na endorsement na ito ng young actress.

Kung sabagay, napapanood na­man siya ngayon sa May Bukas Pa na nagsi­mula ang airing last Monday at nakakuha ng 36.8 sa nationwide rating.

Di kalibreng mga artista ang kasama niya rito.

* * *

Maraming bumilib kina Richard Gutierrez at KC Concepcion na nagsa­sabi sila ng totoo tungkol sa status ng kanilang relasyon. Eh bakit nga naman sila magpi-pretend na may relasyon kung wala naman. Walang pilitan factor. Friends sila at mas ok naman yun dahil nagsisimula naman ang love sa pagiging mag­kaibigan.

First time ni KC na nagkaroon ng Valentine movie samantalang si Richard, beterano na nga naman. Apat na taong sunud-sunod na pumatok sa takilya ang kanyang (Richard) pelikula tuwing Araw ng mga Puso. Nagsimula ‘yun sa Let The Love Begin, I’ll Always Love You and The Promise at ang My Best Friend’s Girlfriend. Sa tatlong nauna, si Angel Locsin ang kasama niya at last ang kay Marian.

Pero parang mas exciting itong When I Met U dahil kinunan ang ilang eksena sa island paradise ng Coron, Palawan. Kuwento ng dalawang nag-iibigan na galing sa magkaibigang background at personalidad.

Actually, wala man silang relasyon ramdam mo naman ang chemistry, electricity at rapport.

Kasi naman, mas comfortable at kasabihan nga na lovelier, sweeter and funnier the second time around.

DULCE AMOR

GARY V

NAMAN

NIYA

PAOLO

PERO

RACHELLE ANN

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with